Powered By Blogger

Monday, December 24, 2012

Busy December

Merry Christmas to all Alam ko maraming excited ngayong pasko pero hindi ko masyadong maramdaman,sign of aging naba?Hindi naman siguro,marami lang talagang ginagawa busy sa work at sa parating na audit (Please Lord wala sanang audit findings) bukod pa sa kaliwat kanang parties.December is my busiest month andaming kelangang ayusin.Hindi naman puro work lang kasi nag outing naman kami ng mga opismate ko para sa pre-birthday celebration ni Jimmar,may pre birthday celeb talaga kasi excited lang magswimming january pa po ang birthday nya.We went to Laguna kasi yun naman talaga ang pinakamalapit at pinakasulit puntahan kasi wala naman talagang mahabang preparasyon parang dalawang araw lang namin pinlano at nangyari na kaagad.Ok naman yung place sa sobrang ok walang nakatanda kung ano ang name ng resort basta located sya sa Pansol.Merun din kaming party ng Tgif(thank God its Friday)samahan ng mga lusaw atay tuwing biyernes.Medyo magulo pero masaya yun nga lang nakakapagod umuwi na ako ng 3am masyado ng pagod ang katawan ko para magextend pa.I-mention ko na din yung pinagdadaanan ng Ngangeyz member na si Gem,we found out na may sakit yung father nya,nakakalungkot kasi ilang years din silang hindi nagkita at walang komunikasyon, after ng swimming sa Pansol dun namin nalaman ang kalagayan ng tatay nya,Wala naman akong magawa kaya ipagdasal na lang natin na sana gumaling na sya.Si Jp naman na kasama ko na ng mahigit 3 taon ay nagdecide na iwan yung opis hindi naman ako nagulat kasi alam ko na matagal nya na yung balak.Pinigilan ko sya kasi alam ko things will never be the same pagnawala sya,yung mga kagaguhan at katangahan namin together mahirap atang pantayan ulit yun.Napakadaming tawa at lungkot yung pinagsamahan namin Hindi ko naman sya masisi kaya I wish him the best sa bago nyang work.Yoko maging emosyonal at matagal kong iniiwasan na pag-usapan yung pagreresign nya pero everytime na nalalasing si Gem nagiging emosyonal sya.Wag ko na kaya sya painumin?Hindi pwede baka lalong magwala baka hindi na sya mautusan bumili ng alak.
Lahat tayo dapat masaya,lahat tayo dapat magpasalamat,may nawawala man o may kulang ang importante tuloy tuloy tayo sa pag-move-on hindi nga natuloy ang end of the world ibig sabihin tuloy ang ikot ng mundo.Muli Merry Christmas

Thursday, November 22, 2012

Ang Paghihiganti

Namiss ko ang mag-blog dahil sa sobrang busy.Hopefully ma-update ko na to in a regular basis,Pls check this video pampasaya lang

Saturday, September 22, 2012

The birthday and my kubeta story

Peyborit tambayan namin ngayon ang bahay ni Gemima,Sino ba si Gemima?Sya ang bagong kinalolokohan ng Vision ngayon...artistahin kumbaga.Peace


Sinabi ko bang tambayan?Kung io-observe ng matalino mong utak tambayan is an understatement dahil halos dun na kami nakatira sa boarding house ng Tito nya.Kasama ko madalas ang mga tao sa piktyur na nasa itaas.Minsan este madalas pala may dala naman kaming pagkain,tulad nung unang beses ispageti ang niluto namin dun at syempre si Chef Manny yung nagluto bilang mayabang magluto hinayaan na lang namin purihin ang sarili nya.Ilang beses ko din kasi narinig na masarap daw sya magluto sa isip ko at siguro sa isip ng mga kasama ko "unlimited",Infernez naman kay Chef Manny masarap naman talaga ang luto nya.


Nakisaya din kami sa birthday ni Regine,yung maliit na babae na kasama ni Gem,Sya lang ata ang nag-iisang tao na kung magpalit ng isip sing bilis ng kidlat.Kaya kung magpaplano ka wag mo na sya tanungin kasi magulo ang isip nyan.Bukod dun ibang klaseng babae talaga sya,bakit ko ba nasabi ?Sya lang ata ang nag-iisang nag-birthday na nag-invite talaga sa akin,wala namang unusual dun kung iisipin pero surprise birthday yun para sa kanya bakit alam nyang may handa? at sya pa ang nag-invite,Parang ganito yung usapan namin
Regine-di ako uwe Pampanga,
Ako:Akala ko ba ipaghahanda ka ng ate mo dun?
Regine:Hindi,may kainan kasi tayo mamaya.(with conviction)Punta tayo kina Gem maya
Ako:ah.

Parang ganyan,haluan mo ng astig na accent yung pagbasa.

Hindi ko din makakalimutan ang mga banat nya.Halos katatapos lang namin kumain nun.Nakaupo kaming lahat sa bandang sala at nagiinuman nun

Regine:Hindi pa ako nagbe-verb?

Lahat kami natatawa at nagtataka,ibig kasi nya sabihin burp!sa tagalog dighay.Nagpalusot pa sya nagpapatawa lang daw.

Isa pa nag-iinuman din kami nun sa boarding house,may pulutan -ensaladang pipino.

Regine: Peyborit ko to eh kakamber

Hindi ko alam kung patawa ulit yun pero tumawa ulit kami.

Hindi din kami mawiwili(mag-eenjoy)kung hindi din sa hospitality ng Tito ni Gem,mabait at mahilig magpatawa ang  Tito nya na si Totoy,Walang boring moments lahat ikinuwento nya sa amin from his family to his lovelife from his adventures to his failures lahat yun hinimay-himay nya sa amin sabay ang pagtungga ng empi light buong araw at magdamag.He reminds me of Vice Ganda,sabi nya idol nya daw yun kaya hindi naman nakakapagtaka.Makulit syang kasama.Interesting ang buhay nya tulad ng isang kubeta,maraming laman,maraming naipong kwento,mga lungkot,saya at pakikibaka nya sa buhay.Katulad ng isang kubeta may baho din syang hindi nya itinatago,Totoy might be vulgar to us but he showed some dignity.He might not be too young to be like Mikay of princess and I or Johanna of Walang hanggan(kineclaim nya kasi) but somehow I saw a child in him that for me makes him forever young.Ang respeto ay ibibigay ko sa kanya kahit di nya hinihingi.

Sa boarding house barado ang kubeta nila Gem mahirap mag-poopoo and that's may kubeta story.








Wednesday, August 1, 2012

Something funny

Malakas ang ulan kahapon pero may mga taong hindi talaga mapakali at hindi makuntento sa buhay.Dahil tag-ulan nga naisipan kong pahulaan ang mga taong involve kagabi lang,hindi ko lang maexplain kung ano ang koneksyon ng tag-ulan kung bakit gusto ko pahulaan.hehehe may masabi lang

Ang background ng kwento?nagiinuman ang ilang grupo na galit sa kanilang atay.Shot kumbaga-Empi lights muna.karaniwang asaran,kwentuhan at gaguhan syempre- pagkatapos ng ilang bote tumagay naman ng isang case na redhorse mapera eh bagong sahod.Pangalanan natin ang mga bida ng kwento pero pahapyaw lang isang batang ama(BA),isang tirador ng mga bago(TB)at isang takot sa asawa(TA)at isa pa na di naman masyado mahalaga sa kwento.Di ko alam kung sino ang pasimuno malamang si (TA) ang nagyaya,magvideoke daw also known as beerhouse
Sa bandang baba ay ang text samin ng taong nagbato ng kwentong ito

sabay sabay tayo manghula kung sino sino sila Peace hahahah

Sunday, July 29, 2012

The Birthday

don't have any pictures yet kaya pakigamit na lang ang inyong imahinasyon sa kwento ko regarding sa birthday ni Sir Jason(recoveries &; recruitment coordinator na ang tawag sa kanya I hope di ako nagkamali kaya don't refer to him as a sup) last friday,nagstart yung celebration right after office hours masyadong excited ang tgif club kaya wala ng sinayang na oras as expected katulad ng sinabi ko mostly tgif members(referring to tomador ng Vision) ang andun para makicelebrate.Alam kong mapapalaban ako sa inuman buti na lang nagyaya si Chad(sup) kasama si Marlo(yung former sup)na kumain muna.Saglit lang kami kumain then bumalik kami kaagad.

The usual inuman at kantahan it was quite boring for me at first inaamin ko yan kasi hindi naman ako sanay sa cocktail drinks at nagshoshot lang ng nakatayo halos wala na kasing maupuan and I was kinda hesitant kumuha ng beer or maybe dahil alam kong masyadong maaga para magpakalasing.Iniligpit ko muna ang aking sarili para sa mahabang inuman.Nakipagkwentuhan muna ako till nagdecide na ako gawing profession ang pag-inum.Everyone is kinda tipsy na kaya dapat humabol,dumadami din ang mga bisita ng birthday boy at lahat ay unti unting nag-iinit...literal na nagiinit

Umikot ako ng 360 degrees (around 10 pm) hindi dahil sa nahihilo ako kundi para pagmasdan ang mga lango sa alak wala pang damage unti unting lumalalim ang gabi at sa tingin ko ay okay pa ang lahat.Maingay at puno ng tawanan ang crowd kung loner ka hindi ito ang lugar para sa'yo


Nagcheck din ako ng nakareserve na songs sa videoke hindi nakakapagtaka yung nakita ko kung gaano kaadik sa alak ang taga vision ganun din sila sa pagkanta matagal pa yung kanta ko kelangan ko bantayan dahil may aagaw nyan sigurado.


Over flowing ang alak pero unti-unti na kaming nababawasan kahit yung birthday boy umalis na din time check 12am madaling araw na bumababa na ang energy pero tuloy pa din ang pag-inum.May mga umalis man merun namang mga pumalit.Nagpahinga ako ng konti may tama na din kasi ako 


May mga kwento na ayaw ko na ielaborate as usual hindi naman talaga maiiwasan yun kanya kanyang eksena na hindi ko na sasabihin.Indeed the party was fun umabot nga ng 4am eh

Monday, July 16, 2012

#HBDManny

Medyo late na yung post ko kasi bihira ako magkaroon ng time para mag-blog at mag net ng matagal.Last week was a bit dramatic for me kasi binalak kong mag-resign sa company because of so many reasons.Hati yung loob ko na maiwan yung work ko at syempre yung mga friends ko.God knows how much I came to love this place and the people around me.I am so proud and humble at the same time because they value me so much,I really appreciate it.Thanks to those who has concern about my situation you know who you are.

In other news.Masaya naman yung kaibigan ko na si Manny sa kanyang birthday ilang araw din sya  nagcelebrate since marami syang set of friends

Tuesday, July 3, 2012

Ulan

Babala mejo emo lang

Kaliwa't kanan nanaman ang baha dahil sa ulan kaya naisip ko mag -leave ng mahabang panahon babalik ako kung tag-init na para madaming outing ulit.Ganun lang yun kadali hindi ko lang alam kung pababalikin pa nila ako pagkatapos kong magdesisyon.Bakit ko ba naiisip to?ansarap lang kasi humiga ng buong araw at magbilang ng patak ng ulan mula sa butas sa yero ng bahay namin.Masarap din ang champorado na kahit tinipid sa gatas basta may asukal ok na sa tyan ko- na palaging galit at kunsimido,wala kasing mailaman parang unan na walang bulak sa loob,tulad ng mamon na puro hangin lamang.

Namimiss ko tuloy ang maging bata,yung panahon na pag-umuulan ay lalabas kami ng mga kaibigan ko para maligo.Magbabasaan ng tubig mula sa bubong ng bahay kahit alam naming puro ebak ng pusa ang andun,safeguard lang naman ang kelangan 99% germ-free na kami.Lulusong din kami sa maputik na baha na puro ihi ng daga hindi ko pa kasi alam ang spelling ng leptospirosis noon kaya kahit yung sakit na makukuha namin dun wala kaming pakialam-eh kasi nga bata. Titigil lang kami kapag tinawag na kami ng mga nanay namin na mahilig mambasag ng trip- aminin mo ganyan din yung nanay mo.

Nung nag-aaral na ako excited din ako pag maulan kasi wala nanamang pasok sa eskwelahan.Isang araw kong di makikita yung teacher ko na terror,yung teacher ko na walang ginawa kundi magkwento ng buhay nya na ala cinderella story pero mukhang bida sa kwentong "beauty & the beast",sya yung beast.Hindi ko talaga sya makakalimutan kasi hanggang ngayon kapitbahay ko pa din sya...beast pa din busy kasi si fairy godninang nakalimutan ata syang itransform.Wala ding assignment at short quiz na paboritong ibigay nila,walang algebra at physics na isinusuka ko noon actually hanggang ngayon.Hindi maaaksaya ang tinta ng panda ballpen ko at hindi nila ako pahihirapang magsulat sa catleya notebook ko.Ang downside lang pag walang pasok wala ding baon dahil yan sa tripper kong nanay.

Ngayong nagtatrabaho na iba na ang aking pananaw sa ulan,360 degrees na pagtingin sa kalagayan ng buhay ko,lahat ng anggulo kinukunsidera,hindi na isang laro at lalong wala ng kinalaman sa pag-aaral -,nasa totoong buhay na ng pagtatampisaw sa ikot ng mundo.Hindi na terror na teacher ang kinatatakutan ko ngayon,mas malaking halimaw na. andun pa din yung pangarap kong magkaroon ng mahabang bakasyon pero wala naman akong magagawa kasi kelangan kong magbanat ng buto.Kapag umuulan kahit gusto kong wag pumasok hindi ko magawa dahil sa malaking responsibilidad na nakaatang sa akin,anjan pa din si nanay  hindi nya na ko sinasaway at hindi na  din sya nambabasag ng trip.

 Ano ang aking punto?tumanda man ako at magbago man ang ikot ng mundo,anjan pa din sya,minsan malakas  at minsan mahina...Ulan




Sunday, July 1, 2012

what happened in vision

Marami ng nangyari sa buhay ko na kinda interesting iblog kaya lang im saving it to my other blog.Bihira ako makapag update dahil hindi  gumagana ang brain ko lately.I was not really in the mood actually.Mas active pa ako sa twitter kung tutuusin.(Habang sinusulat ko ito nakamonitor ako sa twitter ko.)

Speaking of twitter nag resign na ng tuluyan  si @marlou07 aka marlo,maraming salamat sa taon na nagkasama tayo sa opisinang ito hindi ko alam kung babalik ka pero sana ay wag mo kalimutan yung mga kaibigan mo dito.Hindi ko makakalimutan na minsan kitang naging supervisor kahit wala akong natutunan sayo at bilang mas matanda ka naman talaga ng di hamak sa akin dito.Isa kang kawalan sa opisinang ito pero tandaan mo makakamoved on din kami sa pag-alis mo.Isa pang umalis ay si Cyrus na isa sa mga nagbabasa ng blog ko,mabibilang lang kasi sa daliri ang nakakabasa nito kaya ako ay labis na nalulungkot sa pagkawala nya parang namatayan  ako ng kuko ganun kasakit.Nalipat din ako ng team,di tulad ng pagkawala ko sa bdo nun ng malipat ako sa globe, hindi naman ako gaanong naging emosyunal kasi malapit sa puso ko ang team na ito dahil dun ako nagsimula.It's nice to be back my citigroup family.

Gusto ko din batiin yung mga close friends ko dito,Belated happy birthday kay Krisfelyn maraming salamat sa pagbili ng aking mga patawa isa kang matalinong babae.Huwag ka lang masyadong iinum kasi nakakatakot ka tumingin yung tipong tumitirik tapos naka red lipstick pa creepy lang masyado.

Si Jp na dalawang araw nag leave para makatakas sa responsibilidad nyang mag-painum,Maligayang kaarawan sayo

Si Manny na magbibirthday pa lang sa july 8,masyadong malayo ang batangas kaya di ako makakasama ganumpaman humihingi ka sa akin ng surprise birthday party sa panahon ngayon nahihingi na pala ang surprise birthday party?paano pa sya naging surprise kung obligado na kami?May surprise man o wala ,wala ng makakapigil sa pagtanda mo,ika nga nila ang birthday ay lilipas din at wag masyado umasa.

Congratulations naman kay Ailene na reader din nitong blog ko,alam ko masaya ka at patuloy ka sanang maging masaya sa paglapit ng araw ng isisilang mo na sya.Patunay lang na isa kang tunay na babae.Bow

Kay Jerome na magiging ama na mali ang tsismis.Pinatunayan mo na isa kang tunay na lalaki,matapang na tao
isa kang tigasin,tigasaing at tigalaba.

At sa lahat ng newbies Welcome to Vision,hihintayin ko ang talent nyo







Saturday, May 12, 2012

Big star


2 Years ago minsan na syang nangarap na maging action star

Take 1

                                          

Take 2
Mga pangarap na gusto nya abutin sa pinilakang tabing
   
                                      


Take 3

Pinagbuti nya ang lahat
                                      

 Ngayon Big star na sya...






Tuesday, May 8, 2012

Sidelights:Vision outing 2012

Carlo:tipsy lang ako.
Buong magdamag nag-inum pero tipsy lang daw.Akala nya sya ang pinakapogi sa Vision.Takte!

Nagsuot ng goggles si Ate Luz(yung nakapink)
may biglang nagsalita ng malakas "walang kakain hanggat walang nahuhuling isda" merun ding sumigaw na "Aria" Ayun si Ate Luz wala pa din alam.
Naaalala ko si Bossing kapag suot ni Mam Ems yung swimwear nya.


kasama si Ate Len,pinakabata sa citibank team.peace!


Naalala ko lang ulit wag daw gigisingin ang demonyo yan ang mahigpit na bilin ni Carlo,maya-maya nagising na si Athan(yung nasa gitna)

Si Shack ang nagpapaalala sa kin na maliit pa ang tyan ko kahit marami ang tutol dito(yung nakahubad)


Yan si Eugene walang ginawang katarantaduhan,Mabait yan


Sino ba magaakalang mababangasan ang pagmumukha nya.Mahilig tumakbo pero di mahilig umilag


Si Don Rico,sana ay nanatili na lang sya sa bahay hindi naman sya kelangan dun Peace(yung nakared)

Masaya yung outing,andaming pagkain,andaming pulutan at alak kaso hindi nakasama si Manny...alam ko naiinggit sya kahit di nya aminin

Muntik ko na makalimutan Happy Anniversary Vision












Monday, May 7, 2012

why do people go?

Why do people go?some of my friends are leaving our office with different reasons.Most of them are looking for greener pastures.Nakakalungkot man pero wala naman ako magagawa kundi yakapin sila at magpa-alam o magpakawala ng isang masayang goodluck na galing sa puso.Ilang taon ko na din sila kasama dito sa opisinang ito,daming memories,madaming tawa,madaming pakikipagsapalaran.


“No distance of place or lapse of time can lessen the friendship of those who are thoroughly persuaded of each other's worth"-Robert Southey


Itinatanim ko na sa kokote ko na walang permanente sa mundong ito,Kahit ang paborito kong "walang hanggan" (soap opera) may hangganan din.Kahit ang popularidad ng facebook siguradong may katapusan din.At kahit ang blog na ito pwedeng matapos ng biglaan.Pero isa lang ang sigurado na mararamdaman ko it is always painful to say goodbye.

Sa kaibigan kong lumipad na ng south korea habang ginagawa ko ito,sa kaibigang naghahanap ng mas magandang trabaho.Hindi na tayo magkikita-kita ng madalas,wala ng mata sa mata at siko sa sikong bungguan pero tulad nga ng quote sa itaas walang layo o panahon ang makakabawas ng ating pagkakaibigan.Hanggang sa muli.

So why do people go?simply because it is time to go.


Sunday, May 6, 2012

dark secret 2

Naalala nyo pa ba ang post na ito? click here

He's back to his old self,your guess is as good as mine

Monday, April 23, 2012

Uwak

Mejo matagal na to sa baul ko Holy Week pa .Series sana yung kwento ko pero di ko na itinuloy dahil sa madaming dahilan.Eto sana yung kwento ko tungkol sa Day 1 ko sa Batangas.Gusto ko sana i-document ang bawat nangyari nung panahon na iyon pero parang may pumipigil sa akin na wag na lang.Don't get me wrong naging maganda ang pagtanggap sa'min doon pero deep inside me(english oh) gusto ko ng kalimutan ang lahat ng nangyari.



I was really hesitant na pumunta sa bayan nila Manny kasi eh ilang beses na ko nagpabalik-balik sa kanila,baka natatandaan na ako ng mga kapre at maligno dun sabihin pa nila kotang kota na ko,pero ganun pa din yung feeling na para kang bata sa ganda ng tanawin sa kanila,Hindi na bago ang bundok,ilog,puno at pati kabayo nila doon pero yung excitement na puntahan mo ulit at maranasan ang buhay doon nakakapagpataas ng libido ko.Natatandaan ko pa nung una kaming tumapak sa bayan nila sa Batangas,hindi ko akalain na ganun pala kahirap ang umakyat ng bundok andun kasi yung bahay nila,,sulit naman kung tutuusin,tanghaling tapat kami dumating sa Lobo,buti na lang may jip na aahon sasabay kami ligtas muna sa maiinit na dampi ng araw hindi kami maglalakad,matarik at makipot ang daan pero balewala lang sa akin dahil alam ko namang sanay ang driver namin,makatulog na lang muna sabi ko sa aking sarili.Dumating kami ng ligtas kasama ang mga kamag-anak ni Manny,Nagulat ako dahil nakakadaan na ang jip sa mismong tapat ng bahay nila,isang kamag-anak daw ang nagpaayos nun.Nagpahinga muna kami sa sobrang haba ng byahe namin pagkatapos ay kumain,tulad ng unang punta namin sariwang gulay ang inihain sa amin may kasama ding sinaing na isda.Habang lumalalim ang gabi dumating naman ang mga kamag-anak ni Manny hindi na ito bago sa akin ganun talaga parang galing Saudi ang bida,may inuman batanggenyo version.Naglabas ng empi light at tuba,Bilang nahihiya at hindi sanay nagpasya kaming tumambay lang sa ilalim ng puno ng chico,dun din kami tumatambay nung unang punta,walang pinagbago hindi pa pwede kainin ang bunga.Ang kakaiba lang ay ang laki ng buwan,ang romantic lang habang literal akong kinakagat ng mga langgam,Inabangan ko kung may lalabas na manananggal eh,wala naman.Naisipan namin uminum kasi yun talaga ang balak, first time ko ulit uminum ng Gin wala kasi yung isa kong paborito pero ok na rin hindi naman ako tinraydor ng alak,masarap din pala yung tuba nila parang lasang di ko pwede sabihin pero masarap.Nakakakaba din habang umiinom kami sa ilalim ng malaking buwan kasi naman yung pinsan ni Manny pabalik-balik mula sa loob ng bahay nila lasing na pinipilit na pumasok kami at makipag-inuman sa kanila.Nasisira tuloy yung pagmumuni-muni ko,masarap sana lalo na at presko ang hangin.Kwentuhan at tawanan kilala nyo naman si Manny hindi nauubusan ng kwento at patawa.Kung pwede ko nga lang ikwento ng buo sigurado ako lalabas ang almoranas nyo sa kakatawa.Lumalalim ang gabi makulit pa din ang pinsan nya,hindi rin namin naubos ang pangalawang bote ng Gin may sumuko,

Maliwang pa din ang buwan,

Naghihintay ako na may lalabas na manananggal,

Iba ang lumabas kasi iba ang tinawag...Uwak

Friday, March 30, 2012

Ako si In-house collector...

May mga bagay talaga na kahit pag-aari mo na tong blog na ito ay di mo pa rin masabi kung ano ang saloobin mo.May mga bagay-bagay na hindsi mo masabi dahil may mga gusto kang protektahan at ayaw mong makasakit ng kapwa mo.Hindi ako astig kung yun man ang iispin mo,Malamang ay pagtawanan mo ako at naging bahag ang buntot ko.Asar lang ako sa sarili ko dahil sa kagustuhan kong wag makasakit ay kelangan ko itikom ang bibig ko.Lahat ng bagay ay kaya mong tibagin at buuin muli pero may mga bagay na hindi mo gagawin dahil ito ay "choice" mo.Choice ko na manahimik na lang pero nagagalit ang kalooban ko dahil sa "choice" ko.Hindi ko maamin pero hindi ako ganun kalakas,mahina ako,kulang sa tapang na harapin ang sakit na pwede kong maidulot sa iba.May personal man akong pinagdadaanan sa pagrerebelde ng isip ko sa puso ko mananatiling tikom ang bibig ko and that's Paksyet

 Ako si In-house collector-matino,gago at talo.

Wednesday, March 28, 2012

Kay Tutan tayo

Ayan may tribute ako kay Susan bilang mamamaalam na sa Vision.Ilang araw na lang madadagdagan na ang istatistika ng mga walang trabaho sa Pilipinas,kabilang sa magiging problema ng gobyerno at higit sa lahat pabigat sa lipunang naghihikahos na.Akalain mo nga namang nakuha pang magresign at makisapi sa Hukbong sandatahan ng mga tambay sa Pilipinas.Hindi ko alam ang totoong dahilan sa pag-alis nya pero ako ay grateful(umi-english lang) dahil sa sandaling pagkakataon ay napatawa at napahalakhak ako sa mga antics nya.Hindi ko malilimutan ang mga astig nyang facebook status,ang kulitan sa tuwing may inuman at ang hindi ko maipaliwanag na personalidad na sya lang ang merun.Hindi ko din makakalimutan ang pagpatol  nya kay simsimi minsan nga naiisip ko hindi sya talaga busy.
Naghihinayang ako na mawawala sya may rookie of the year kasi sya na natanggap galing sa opisina,ibig sabihin nito ay may potensyal sya maging magaling na kolektor pero on the second thought si Susan nga lang pala ang bago sa team nya kaya wala silang choice kundi ibigay sa kanya.Malungkot ako sa pag-alis nya pero umaasa ako na may maidudulot na kabutihan ito sa kanya -career growth siguro.

                                     

Kung anuman at saanman ikaw patungo tumingala ka lang sa iyong pupuntahan at wag kalimutang ngumiti sa inyong pinanggalinganHindi masama ang bumitaw sa bagay na napamahal na sa atin lalo na kung sa tingin natin kinakailangan na itong bitawan.Yes she maybe a quitter but at least she can show us her graceful exit.

click to enlarge

Tuesday, March 27, 2012

Devirginized


Wow oha...napamura ako ng taena...kahit kung anung-ano lang na shits ang mga sinusulat ko dito may natutuwa rin pala.Salamat ng marami sa'yo,First time to(na mahabang comment),Kung sino ka man sana swertihin ka ngayong araw na ito kung hindi man bukas yan malamang.Hindi mo lang alam kung pano mo ko pinasaya dahil alam mo naman malungkot ako dahil may ulcer na ang bulsa ko.Sa nag-comment na to muli salamat binuo mo ang araw ko.

Hi po sir dindo. Naaaliw ako sa blog mo.avid reader ako ng mga blogs e. Kc from there ako nkkakuha ng various feedback on my queries.mind you, ultimo pagpaparebond chineck ko muna s blog. Anyways, your blog is cool....at bilang madami na rin ako kilala sa vision kahit di ako tagaroon at consistent tambay lng in my bdo uniform...at somepoint..nakakarelate nmn ako...and it really makes me laugh....especially ung SOLA n manny...hehehe... Keep it up....dont know if your earning from this but if you do....much better...but if not ok na ring past time....enriching your ideas...and nga pla..pati youtube mo nkita ko na...next time ako na presidente bg fans club mo....hehehe.... Two thumbs up for you sir..... :-D

Monday, March 26, 2012

random

Magmamahal na araw pero ang lungkot-lungkot ko.Wala kasi ako pera ewan ko ba bakit sa tuwing malapit na ang holiday tulad nitong holy week at may pagkakataon na makapagbakasyon sa malayong lugar saka naman ako kapos.Gusto ko sana tanungin yung sarili ko bakit nga ba?kaso natatakot ako na sagutin ang sarili kong tanong dahil alam kong wala naman patutunguhan ang tanong ko na wala naman talagang kwenta.Ang gulo diba,minsan naisip ko mamulot na lang ng pera sa daan pero kahit isipin ko yun wala naman ako mapupulot kundi tae ng asong gala.Syet bakit ba sa ganitong panahon pa ako kinapos eh ang saya sana magtampisaw sa dagat o kaya magpunta sa malayong lugar kung saan di ko pa napupuntahan.Pwede sana kaso wala talaga ako pera.Andami pa sanang akong plano na pupuntahan ni isa mukhang walang matutupad.Pagdating naman sa trabaho ewan ko ba parang nananadya talaga ang tadhana,masaya naman sa trabaho pero parang kulang ata ako sa swerte.Wala ako maclosed na malaking account paano na ang mga gastusin ko sa bahay at ang sarili kong luho.Minsan mahirap makatikim ng ginhawa kasi hinahanap-hanap mo pag wala na.Hay tara inom tayo para makalimutan ang problema empi lights lang masaya na ko.

Saturday, March 17, 2012

Fun-sol

Very recent lang nangyari,nag-outing kami with my officemate sa Pansol Laguna sa isang private pool.We had a long preparation prior to our swimming pero kahit pala akala mo prepared at nasa ayos na ang lahat along the way saka mo lang ma-rerealized na something is missing,something is about to happen or something will teach you a lesson.Past 6pm na kami nakaalis ng Pasay,as any ordinary day heavy traffic na naman along Gil Puyat.Overloaded pa kami sa inarkilang jeep namin dahil hindi naman expected na marami ang sasama.Nagawan ng paraan at pinagsiksikan namin ang aming sarili para magkasaya lang.Nagdala kami ng mahabang upuan at inilagay sa gitna ng jip.Tinalo pa namin ang sardinas mas madami kami sa lata.
Then sinundo pa namin ang iba pa naming colleague na nagluto para sa dinner namin.So you could imagine na madadagdagan pa kami ng lima.Eto yung point na nagdecide kami na yung iba kelangan talaga magbyahe para maging komportable kaming lahat.I should learn proper estimation next time so that it won't happen again.Hassle kasi.
The trip went upside down parang di nakiki-ayon ang tadhana para sa amin.Nasa kalagitnaan kami ng expressway ng biglang pumutok ang gulong.Earlier I noticed from the face of the driver yung concern kasi nga overloaded kami.Alam nya pwedeng bumigay yung gulong anytime.Everyone is safe naman after the incident though worried ang lahat sino bang hindi it is supposed to be a happy occassion.Nagstop over pa rin kami para masiguradong safe yung sinasakyan namin.For about 30 mins tambay mode muna kami,most of us went to a nearby mcdo kumain,nag-cr at nagkwentuhan.Hindi naman nakakainip kasi we took the opportunity para ma-relax indeed nakatulong sya,still everyone is excited and high spirited.
Less than an hour dumating na kami sa Pansol naunahan pa kami ng nagbyahe lang.The place is nice though maliit lang sya,komportable naman yung 3 rooms lahat aircondition.



May isang pool para sa adult at isa din sa mga bata at kay Alex..May billiard din

The place looks quiet and peaceful kahit walang security guard at caretaker lang ang andun.Magdamagan inuman,


kainan at videoke-han,nag-games din kame I wander makukuha ko ba yung premyo ko hehehe.

Photo op pa


Ang Adonis ng Vision


I wander kung ano tinitignan ni shock


The crying lady...


The beautiful and wonderful people




The food is great,thanks sa mga nagluto ang sarap lang ng adobo for our dinner,sopas para sa bangag at kaldereta para sa breakfast.
Thank you din sa sponsor para sa desserts,masarap lang ulit-ulitin.


The next day


Bagsak



May mga nalasing,may sumuka,may lumamon,may makulit pero masaya
Everything went smoothly,may mga hassle and all at least I've(we've) learned a lesson.The most important thing yung experience na baon-baon namin pag-uwi.

Tuesday, March 13, 2012

Harrison plaza

Pumunta kami ni Manny sa Harrison Plaza para papalitan yung short na binili ko,Hindi ko alam kung bakit hindi magkasya yung size 32 na waistline sakin samantalang size 32 ang size ng mga pants ko.Hindi kaya ibang tape measure ang ginamit dito at bakit nauwi ako sa size 36?Akala ko maluwag pa yung size 36 pero nagkamali ako kasya lang...sakto at hindi ko matanggap.Excited daw ako sa swimming this March 16 kaya bumili daw ako ng long sleeves,short at underwear ayon yan sa imahinasyon ni Manny.Tama bumili nga ako ng mga yan pero hindi dahil sa swimming, nawawalan na lang talaga ako na maisusuot dahil sa kapatid ko na mahilig sa hands me down na damit at puro sakin ang natripan suotin.Nagtitipid ako kaya sa halagang 600 na budget kumasya naman pero kung mas gusto nyo mas makatipid sa Baclaran kayo pumunta.Mainit nga lang at matutong makipagpatintero sa mga mamimili at mga sasakyan,kung mamalasin baka madukutan pa.Badtrip diba basa na kilikili mo nawalan ka pa ng pera.Habang nasa sasakyang jip kami ni Manny papuntang Hp(read harrison plaza)
Dindo: Ma bayad po Harrison yung dalawa
Manny:(tumawa ng nakakaasar)
Dindo:(confused)
Manny:(tuloy ang tawa)
Dindo:(namula,nastress...Nagkamot)
Hindi ko alam ang nangyari,inisip ko na lang yung kulay ng buhok ni Manny pagkatapos sumabay na din ako ng tawa.Pagkatapos kong mapalitan yung short ko na size 32,kumain kami sa maliit na foodcourt ng Hp.Inorder ko yung palabok na 40 pesos ang halaga at gatang halohalo na 30 pesos naman mahal para sa kin pero dahil katakam-takam naman nilunok ko na ang pride ko.Umorder din ng pancit si Manny kahit ang gusto nya ay hindi available(maaaring sinadya ng tindero na hindi lutuin yun kasi inakala nyang walang pambayad si Manny...joke)At ang lasa FAILED...hindi na ako uulit,maalat ang palabok at hindi ganun kasarap ang gatang halo-halo.Hindi ko na itinanong kung masarap ang pancit dahil alam kong hindi nabusog ang mataba kong kasama at hindi na kasi sya umorder ulit.Sa mga nakakilala sa kanya singlaki na po sya ng aparador na kulay blonde.Gusto din namin bumili ng buko shake sa buko ni juan,ang kaso wala ng buko,niyog na lang daw.Hindi kami nakuntento at naghanap kami ng buko shake para malamanan ang tyan ng dragon kong kasama.Nakatagpo kami at natuwa.Nagyaya na ako umuwi habang nilalagok ang binili.Sa labas...

Akala ko ok na

Manny:masarap ang barbeque nila dito

at nagpa-ihaw sya ng atay.

Monday, February 27, 2012

love package


Minsan may mga bagay tayong dapat isuko para sa kapakanan ng iba at minsan kelangan natin makasakit para iwasto lahat ng mali natin.

Love comes in a package,hindi pwedeng puro masaya lang may mga risk na dapat harapin.May mga bagay na wala tayong choice kundi masaktan lang.

We should accept the fact na sa combo meal na inorder mo hindi lahat magugustuhan mo.Minsan nakakahinayang man kelangan natin itapon dahil hindi na natin kayanin kainin pa

Hindi ko alam ang totoong dahilan at alam kong wala akong karapatan i-judge kayo pero para sa 2 kong kaibigan na may pinagdadaanan ngayon.Hindi na importante kung sino ang tama o mali.

cliche man pero lilipas din yan at mabubuo nyo ulit ang mga nawala sa inyo,In due time you will understand why you have to go through all of this.Good things is good or perhaps great...but sometimes like a package it is available while supplies last

Sunday, February 26, 2012

Kudos Globe team

Dear GlobeTeam,


Isang malaking pagsubok ng tanggapin kita.Aaminin ko hindi naging madali ang higit dalawang taon na pagsasama natin.Napakahirap abutin ang mga expectation sa atin,sino bang madadalian sa mga problema na hinarap at patuloy na hinaharap natin,May mga dumating at umalis sa atin pero meron namang piniling manatili.Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil tinulungan nyo akong mahasa ang aking kakayahan bilang lider ng grupo.



Mananatili ang mga alaala natin bilang magkakasama sa pagsubok at mga problema pati na din ang mga mumunti nating kasayahan.Walang makakapantay sa tawa at minsang pagkawala natin sa sarili.May mga pagkukulang man tayo sa isa't isa alam ko nagkakaintindihan naman tayo.Hindi ko malilimutan ang inuman,swimming,videoke,kulitan at asaran natin.


Nagpapasalamat ako sa suporta nyo,iiwan ko ang pwesto ko pero tulad ng dati tuloy tuloy pa din ang saya,lilipat lang ako ng team pero wala pa din magbabago.Aasa ako na buo pa din ang suporta sa hahalili sa kin.


Gusto ko din magpasalamat kay Paulo bilang kolektor sa kanyang naibahagi sa atin,May bago kang haharapin na pagsubok at sana ay magtagumpay ka.Maikling panahon lang pero sana ay nag-enjoy ka sa amin.Goodluck sa bagong work mo.

Kay Irish Gen at Ana na lilipat din sa ibang team,sana ay magamit nyo ang mga natutunan nyo sa amin.Maging happy kayo sana sa kanila.


Kudos Globe team!!!!

Friday, February 24, 2012

top ten astig facebook status

10."Michaelmath dionaldo maraming salamat sa lugaw"-Echo

9."NAku gerLdine marayag. Di ako kumakain nang pagkain nang mga kinikimotheraphy". echo ulit

8."walang panget pangeet sa titing galit...sabi ko namn sa inyo mas mabuti pang wala akong alam"-echo nanaman(eto yung controversial status nya)

7."akala ko mpgakakatiwalaan kita! ahas ka din pla!tama nga si buntis sa mga snbe nya skin!shet"ritchelle

6."san b pwedeng mag sanla ng kaluluwa? ,,..."eugene (ulul wala kang kaluluwa)

5."ako na ang maganda"-genelyn de castro (and they reacted)
"cge lang gen.. lokohin mo sarili mo.. its free"
" dyosa ba ng hayop?"

4."magladlad ka na lang pare, napaghahalataan kn kasi... suot ka ng pulang kapa for sure bagay sayo :")-lani (tahimik ako)

3."nekekeengget nemen sele.... keme henggeng ngeyen wele pe den....
hehehehe :("-susan (walang sahod)

2."from now on I won't expect anything na talaga....pag meron thank you pag wala
FACEBOOK humanda ka don't dare to ask WHAT'S ON MY MIND!!!!!! >_<"- susan (wala pa din sahod)

1."sabi ko dati lord bigyan nyo po ako ng trabaho,..prayer granted thank you lord....
may trabaho nga ako wala nman sweldo :(mali pla ako, dapat pla trabahong may sweldo ang hiningi ko....KAASAR!!!!!!'"-susan (alam nyo na?!!!di na kelangan i-explain)


Astig no?!lalo na si susan.

Sunday, February 12, 2012

one balentyn

Pindutin bago magbasa



Balentayn nanaman at malamang kung may special someone ka abala ka nanaman sa kakaisip kung pano mo pasasayahin ang taong minamahal mo kung pano mo sya sosopresahin sa dala mong rosas at tsokolateng binili mo sa 7 11, sa karamihan naman ay isinusumpa na naimbento pa ang araw na iyon dahil tulad ng nakaraang taon ay wala ka nanamang partner na matatawag para alayan ng pagmamahal.Hindi bale ng malamig ang pasko wag lang ang balentayn pero kung wala pa din yung hinihintay mo minsan pipiliin mo na lang mag holy week tutal sanay ka naman sa sakripisyo at pagaayuno.Pano nga ba mo katutuwaan ang araw na ito puro "sila" na lang ang di nababakante kumbaga sa takilya sila ang box office hit at ikaw tong parang isda na bilasa na dina mabili.
Bukod sa bitterness na nararamdaman mo naalala mo din yung taong minahal mo,yung pinangakuan mo na mamahalin mo habang buhay,yung pinaglaanan mo ng oras at panahon.Napapasyet ka kasi magkasing-sakit ang pagpapatuli o di kaya'y pagmurder sa kuko mo sa paa mo sa pagiging broken hearted mo pero di tulad ng pagpapatuli at pag-murder mas matagal mong nararamdaman yung sobrang sakit,mas nanunuot sa kaibuturan mo dahil puso na ang pinag-uusapan.May mga ilang bagay ka din na naaalala nung magkasama pa kayo,lage mo syang tinatanong kung okay lang ba sya kahit obviously kasing lakas nya ang mga kalabaw.Hinihintay mo yung pag-ngiti nya sayo kasi naniniwala ka na sa bawat paggalaw ng kanyang labi nawawala agad ang pagod at hirap mo sa maghapong pag-aaral o pagtatrabaho.Naglalaro kayo ng scrabble sa tuwing nagkikita kayo,unti unti mong binubuo ang mga letra ng pag-ibig mo sa kanya.Minamarkahan mo ang pagtaas mo ng iskor nyo sa isat-isa.Hindi mo namalayan na ang pagbuo ng bawat letra sa iscrabble ay isang ring sugal na kung hindi mo pagbubutihin maiiwan kang luhaan at talunan.Magaling ka nga pumili ng mga letra pero hindi mo ito nagamit sa tamang paraan kung saan pwede kang manalo.

Naniniwala ka na kaya pa...kaya mo pang ilaro at sumugal sa natitirang pag-asa na merun ka.This time sinisigurado mo na ang napili mong laro ay mananalo ka.Balewala na ang pride kung ang kapalit naman ay buhay kasama sya.Winelcome mo yung thought na sa bandang huli kayo pa din.Pilit mong ginagawan ng katwiran ang mga ipinapakita nya sayo.Masakit na balewalain ka pero ang katwiran mo mas masakit kung iiwan ka nya ng tuluyan.Ang pagmamahal mo ay singtibay ng goma,mahirap putulin,mahirap sirain pero ang kanya naman ay papel madaling masira lalo ng pag nababasa.

Ang sabi ng kanta we had the right love at the wrong time-yan ang pilit mong sinasabi sa iyong sarili pero alam mo ang katotohanan na from the very start walang "we" kundi one sided lang ang lahat,"i" had the right love ang alam mong nababagay sayo.Bulag ka lang ipaintindi sayong sarili na wala ng lunas sa sakit na nararamdaman mo kundi tanggapin ang katotohanang hindi kayo para sa isat-isa.Walang ospital na tumatanggap ng tanga pero pwede kang maging bitter kapag balentayn na

Thursday, February 9, 2012

Third eye


Sa isang inuman kung saan madalas ako magbabad sampu ng aking mga kasama may nakasama kaming nakikita ang hinaharap sa pamamamagitan ng panaginip.Di ko alam kung may third eye ba ang tawag dun sa mga taong madalas managinip tapos nagiging totoo.Hindi naman sa di ako naniniwala pero mas alam ko pa talaga ang alcohol content ng iniinum kong alak kesa malaman ang tawag sa kanila.Creepy lang na malaman na yung taong kilala mo ay malapit na palang mamatay,at kung papano sila mamamatay.

Madami na kaming naiinum na The Bar, na sa mukha ko ang senyales na malapit na ko tumumba.Malapit ng maging magroller coaster ang bituka ko,malapit ng maging wasted.

Mabalik tayo sa panaginip nya,nabanggit nya sa amin na napanaginipan nya din ang tsunami sa Japan,ang pagkamatay ng lola ng best friend ng jowa nya..at ang pagkamatay ni Magellan...oo joke lang yan.Ayoko nga pakinggan ang mga kwento nya pero para hindi maging bastos taimtim kong pinakinggan ang mala shake rattle and roll nyang stories minus si Manilyn Reynes habang tumatakbo palayo sa aswang.Hindi ko na rin kinaya na kahit sya napanaginipan nya din ang kanyang sarili na patay na,lalo akong kinilabutan bukod sa masama ang panaginip nya ,silver na The Bar na ang iniinum namin,ansama lang ng lasa.Pucha sabi ko sa sarili ko habang nag-uunahang gumuhit sa lalamunan ko ang gas este alkohol na tinungga ko.

Mabalik ulit tayo sa panaginip nya,Seryoso sya habang nagkukuwento,hindi ko na nga inisip na dulot lang yun ng kalasingan nya-eh anu naman diba lasing din ako nun so bakit ko sya pag-iisipan pa.Walang mawawala kung maniniwala ako pero hoping ako na di magkakatotoo

Nabanggit nya din na ilang buwan na syang inuubo at malamang ay isa to sa senyales na mamamatay na sya,Habang tinutungga ng mga alkoholic ang alak binanggit nya din na may bahid dugo ang plema nya.Tuloy lang sa pagtungga kahit isang baso lang ang iniinuman namin nun.Tutal lasing nga talo-talo na yun.

Hindi ko alam kung pano natapos ang inuman basta ang alam ko lang umulan ng malakas,malakas na malakas na ulan