Powered By Blogger

Thursday, February 9, 2012

Third eye


Sa isang inuman kung saan madalas ako magbabad sampu ng aking mga kasama may nakasama kaming nakikita ang hinaharap sa pamamamagitan ng panaginip.Di ko alam kung may third eye ba ang tawag dun sa mga taong madalas managinip tapos nagiging totoo.Hindi naman sa di ako naniniwala pero mas alam ko pa talaga ang alcohol content ng iniinum kong alak kesa malaman ang tawag sa kanila.Creepy lang na malaman na yung taong kilala mo ay malapit na palang mamatay,at kung papano sila mamamatay.

Madami na kaming naiinum na The Bar, na sa mukha ko ang senyales na malapit na ko tumumba.Malapit ng maging magroller coaster ang bituka ko,malapit ng maging wasted.

Mabalik tayo sa panaginip nya,nabanggit nya sa amin na napanaginipan nya din ang tsunami sa Japan,ang pagkamatay ng lola ng best friend ng jowa nya..at ang pagkamatay ni Magellan...oo joke lang yan.Ayoko nga pakinggan ang mga kwento nya pero para hindi maging bastos taimtim kong pinakinggan ang mala shake rattle and roll nyang stories minus si Manilyn Reynes habang tumatakbo palayo sa aswang.Hindi ko na rin kinaya na kahit sya napanaginipan nya din ang kanyang sarili na patay na,lalo akong kinilabutan bukod sa masama ang panaginip nya ,silver na The Bar na ang iniinum namin,ansama lang ng lasa.Pucha sabi ko sa sarili ko habang nag-uunahang gumuhit sa lalamunan ko ang gas este alkohol na tinungga ko.

Mabalik ulit tayo sa panaginip nya,Seryoso sya habang nagkukuwento,hindi ko na nga inisip na dulot lang yun ng kalasingan nya-eh anu naman diba lasing din ako nun so bakit ko sya pag-iisipan pa.Walang mawawala kung maniniwala ako pero hoping ako na di magkakatotoo

Nabanggit nya din na ilang buwan na syang inuubo at malamang ay isa to sa senyales na mamamatay na sya,Habang tinutungga ng mga alkoholic ang alak binanggit nya din na may bahid dugo ang plema nya.Tuloy lang sa pagtungga kahit isang baso lang ang iniinuman namin nun.Tutal lasing nga talo-talo na yun.

Hindi ko alam kung pano natapos ang inuman basta ang alam ko lang umulan ng malakas,malakas na malakas na ulan

No comments:

Post a Comment