Sinabi ko bang tambayan?Kung io-observe ng matalino mong utak tambayan is an understatement dahil halos dun na kami nakatira sa boarding house ng Tito nya.Kasama ko madalas ang mga tao sa piktyur na nasa itaas.Minsan este madalas pala may dala naman kaming pagkain,tulad nung unang beses ispageti ang niluto namin dun at syempre si Chef Manny yung nagluto bilang mayabang magluto hinayaan na lang namin purihin ang sarili nya.Ilang beses ko din kasi narinig na masarap daw sya magluto sa isip ko at siguro sa isip ng mga kasama ko "unlimited",Infernez naman kay Chef Manny masarap naman talaga ang luto nya.
Nakisaya din kami sa birthday ni Regine,yung maliit na babae na kasama ni Gem,Sya lang ata ang nag-iisang tao na kung magpalit ng isip sing bilis ng kidlat.Kaya kung magpaplano ka wag mo na sya tanungin kasi magulo ang isip nyan.Bukod dun ibang klaseng babae talaga sya,bakit ko ba nasabi ?Sya lang ata ang nag-iisang nag-birthday na nag-invite talaga sa akin,wala namang unusual dun kung iisipin pero surprise birthday yun para sa kanya bakit alam nyang may handa? at sya pa ang nag-invite,Parang ganito yung usapan namin
Regine-di ako uwe Pampanga,
Ako:Akala ko ba ipaghahanda ka ng ate mo dun?
Regine:Hindi,may kainan kasi tayo mamaya.(with conviction)Punta tayo kina Gem maya
Ako:ah.
Parang ganyan,haluan mo ng astig na accent yung pagbasa.
Hindi ko din makakalimutan ang mga banat nya.Halos katatapos lang namin kumain nun.Nakaupo kaming lahat sa bandang sala at nagiinuman nun
Regine:Hindi pa ako nagbe-verb?
Lahat kami natatawa at nagtataka,ibig kasi nya sabihin burp!sa tagalog dighay.Nagpalusot pa sya nagpapatawa lang daw.
Isa pa nag-iinuman din kami nun sa boarding house,may pulutan -ensaladang pipino.
Regine: Peyborit ko to eh kakamber
Hindi ko alam kung patawa ulit yun pero tumawa ulit kami.
Hindi din kami mawiwili(mag-eenjoy)kung hindi din sa hospitality ng Tito ni Gem,mabait at mahilig magpatawa ang Tito nya na si Totoy,Walang boring moments lahat ikinuwento nya sa amin from his family to his lovelife from his adventures to his failures lahat yun hinimay-himay nya sa amin sabay ang pagtungga ng empi light buong araw at magdamag.He reminds me of Vice Ganda,sabi nya idol nya daw yun kaya hindi naman nakakapagtaka.Makulit syang kasama.Interesting ang buhay nya tulad ng isang kubeta,maraming laman,maraming naipong kwento,mga lungkot,saya at pakikibaka nya sa buhay.Katulad ng isang kubeta may baho din syang hindi nya itinatago,Totoy might be vulgar to us but he showed some dignity.He might not be too young to be like Mikay of princess and I or Johanna of Walang hanggan(kineclaim nya kasi) but somehow I saw a child in him that for me makes him forever young.Ang respeto ay ibibigay ko sa kanya kahit di nya hinihingi.
Sa boarding house barado ang kubeta nila Gem mahirap mag-poopoo and that's may kubeta story.
No comments:
Post a Comment