Powered By Blogger

Sunday, February 12, 2012

one balentyn

Pindutin bago magbasa



Balentayn nanaman at malamang kung may special someone ka abala ka nanaman sa kakaisip kung pano mo pasasayahin ang taong minamahal mo kung pano mo sya sosopresahin sa dala mong rosas at tsokolateng binili mo sa 7 11, sa karamihan naman ay isinusumpa na naimbento pa ang araw na iyon dahil tulad ng nakaraang taon ay wala ka nanamang partner na matatawag para alayan ng pagmamahal.Hindi bale ng malamig ang pasko wag lang ang balentayn pero kung wala pa din yung hinihintay mo minsan pipiliin mo na lang mag holy week tutal sanay ka naman sa sakripisyo at pagaayuno.Pano nga ba mo katutuwaan ang araw na ito puro "sila" na lang ang di nababakante kumbaga sa takilya sila ang box office hit at ikaw tong parang isda na bilasa na dina mabili.
Bukod sa bitterness na nararamdaman mo naalala mo din yung taong minahal mo,yung pinangakuan mo na mamahalin mo habang buhay,yung pinaglaanan mo ng oras at panahon.Napapasyet ka kasi magkasing-sakit ang pagpapatuli o di kaya'y pagmurder sa kuko mo sa paa mo sa pagiging broken hearted mo pero di tulad ng pagpapatuli at pag-murder mas matagal mong nararamdaman yung sobrang sakit,mas nanunuot sa kaibuturan mo dahil puso na ang pinag-uusapan.May mga ilang bagay ka din na naaalala nung magkasama pa kayo,lage mo syang tinatanong kung okay lang ba sya kahit obviously kasing lakas nya ang mga kalabaw.Hinihintay mo yung pag-ngiti nya sayo kasi naniniwala ka na sa bawat paggalaw ng kanyang labi nawawala agad ang pagod at hirap mo sa maghapong pag-aaral o pagtatrabaho.Naglalaro kayo ng scrabble sa tuwing nagkikita kayo,unti unti mong binubuo ang mga letra ng pag-ibig mo sa kanya.Minamarkahan mo ang pagtaas mo ng iskor nyo sa isat-isa.Hindi mo namalayan na ang pagbuo ng bawat letra sa iscrabble ay isang ring sugal na kung hindi mo pagbubutihin maiiwan kang luhaan at talunan.Magaling ka nga pumili ng mga letra pero hindi mo ito nagamit sa tamang paraan kung saan pwede kang manalo.

Naniniwala ka na kaya pa...kaya mo pang ilaro at sumugal sa natitirang pag-asa na merun ka.This time sinisigurado mo na ang napili mong laro ay mananalo ka.Balewala na ang pride kung ang kapalit naman ay buhay kasama sya.Winelcome mo yung thought na sa bandang huli kayo pa din.Pilit mong ginagawan ng katwiran ang mga ipinapakita nya sayo.Masakit na balewalain ka pero ang katwiran mo mas masakit kung iiwan ka nya ng tuluyan.Ang pagmamahal mo ay singtibay ng goma,mahirap putulin,mahirap sirain pero ang kanya naman ay papel madaling masira lalo ng pag nababasa.

Ang sabi ng kanta we had the right love at the wrong time-yan ang pilit mong sinasabi sa iyong sarili pero alam mo ang katotohanan na from the very start walang "we" kundi one sided lang ang lahat,"i" had the right love ang alam mong nababagay sayo.Bulag ka lang ipaintindi sayong sarili na wala ng lunas sa sakit na nararamdaman mo kundi tanggapin ang katotohanang hindi kayo para sa isat-isa.Walang ospital na tumatanggap ng tanga pero pwede kang maging bitter kapag balentayn na

No comments:

Post a Comment