Powered By Blogger

Sunday, February 26, 2012

Kudos Globe team

Dear GlobeTeam,


Isang malaking pagsubok ng tanggapin kita.Aaminin ko hindi naging madali ang higit dalawang taon na pagsasama natin.Napakahirap abutin ang mga expectation sa atin,sino bang madadalian sa mga problema na hinarap at patuloy na hinaharap natin,May mga dumating at umalis sa atin pero meron namang piniling manatili.Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil tinulungan nyo akong mahasa ang aking kakayahan bilang lider ng grupo.



Mananatili ang mga alaala natin bilang magkakasama sa pagsubok at mga problema pati na din ang mga mumunti nating kasayahan.Walang makakapantay sa tawa at minsang pagkawala natin sa sarili.May mga pagkukulang man tayo sa isa't isa alam ko nagkakaintindihan naman tayo.Hindi ko malilimutan ang inuman,swimming,videoke,kulitan at asaran natin.


Nagpapasalamat ako sa suporta nyo,iiwan ko ang pwesto ko pero tulad ng dati tuloy tuloy pa din ang saya,lilipat lang ako ng team pero wala pa din magbabago.Aasa ako na buo pa din ang suporta sa hahalili sa kin.


Gusto ko din magpasalamat kay Paulo bilang kolektor sa kanyang naibahagi sa atin,May bago kang haharapin na pagsubok at sana ay magtagumpay ka.Maikling panahon lang pero sana ay nag-enjoy ka sa amin.Goodluck sa bagong work mo.

Kay Irish Gen at Ana na lilipat din sa ibang team,sana ay magamit nyo ang mga natutunan nyo sa amin.Maging happy kayo sana sa kanila.


Kudos Globe team!!!!

No comments:

Post a Comment