Mejo matagal na to sa baul ko Holy Week pa .Series sana yung kwento ko pero di ko na itinuloy dahil sa madaming dahilan.Eto sana yung kwento ko tungkol sa Day 1 ko sa Batangas.Gusto ko sana i-document ang bawat nangyari nung panahon na iyon pero parang may pumipigil sa akin na wag na lang.Don't get me wrong naging maganda ang pagtanggap sa'min doon pero deep inside me(english oh) gusto ko ng kalimutan ang lahat ng nangyari.
I was really hesitant na pumunta sa bayan nila Manny kasi eh ilang beses na ko nagpabalik-balik sa kanila,baka natatandaan na ako ng mga kapre at maligno dun sabihin pa nila kotang kota na ko,pero ganun pa din yung feeling na para kang bata sa ganda ng tanawin sa kanila,Hindi na bago ang bundok,ilog,puno at pati kabayo nila doon pero yung excitement na puntahan mo ulit at maranasan ang buhay doon nakakapagpataas nglibido ko.Natatandaan ko pa nung una kaming tumapak sa bayan nila sa Batangas,hindi ko akalain na ganun pala kahirap ang umakyat ng bundok andun kasi yung bahay nila,,sulit naman kung tutuusin,tanghaling tapat kami dumating sa Lobo,buti na lang may jip na aahon sasabay kami ligtas muna sa maiinit na dampi ng araw hindi kami maglalakad,matarik at makipot ang daan pero balewala lang sa akin dahil alam ko namang sanay ang driver namin,makatulog na lang muna sabi ko sa aking sarili.Dumating kami ng ligtas kasama ang mga kamag-anak ni Manny,Nagulat ako dahil nakakadaan na ang jip sa mismong tapat ng bahay nila,isang kamag-anak daw ang nagpaayos nun.Nagpahinga muna kami sa sobrang haba ng byahe namin pagkatapos ay kumain,tulad ng unang punta namin sariwang gulay ang inihain sa amin may kasama ding sinaing na isda.Habang lumalalim ang gabi dumating naman ang mga kamag-anak ni Manny hindi na ito bago sa akin ganun talaga parang galing Saudi ang bida,may inuman batanggenyo version.Naglabas ng empi light at tuba,Bilang nahihiya at hindi sanay nagpasya kaming tumambay lang sa ilalim ng puno ng chico,dun din kami tumatambay nung unang punta,walang pinagbago hindi pa pwede kainin ang bunga.Ang kakaiba lang ay ang laki ng buwan,ang romantic lang habang literal akong kinakagat ng mga langgam,Inabangan ko kung may lalabas na manananggal eh,wala naman.Naisipan namin uminum kasi yun talaga ang balak, first time ko ulit uminum ng Gin wala kasi yung isa kong paborito pero ok na rin hindi naman ako tinraydor ng alak,masarap din pala yung tuba nila parang lasang di ko pwede sabihin pero masarap.Nakakakaba din habang umiinom kami sa ilalim ng malaking buwan kasi naman yung pinsan ni Manny pabalik-balik mula sa loob ng bahay nila lasing na pinipilit na pumasok kami at makipag-inuman sa kanila.Nasisira tuloy yung pagmumuni-muni ko,masarap sana lalo na at presko ang hangin.Kwentuhan at tawanan kilala nyo naman si Manny hindi nauubusan ng kwento at patawa.Kung pwede ko nga lang ikwento ng buo sigurado ako lalabas ang almoranas nyo sa kakatawa.Lumalalim ang gabi makulit pa din ang pinsan nya,hindi rin namin naubos ang pangalawang bote ng Gin may sumuko,
Maliwang pa din ang buwan,
Naghihintay ako na may lalabas na manananggal,
Iba ang lumabas kasi iba ang tinawag...Uwak
I was really hesitant na pumunta sa bayan nila Manny kasi eh ilang beses na ko nagpabalik-balik sa kanila,baka natatandaan na ako ng mga kapre at maligno dun sabihin pa nila kotang kota na ko,pero ganun pa din yung feeling na para kang bata sa ganda ng tanawin sa kanila,Hindi na bago ang bundok,ilog,puno at pati kabayo nila doon pero yung excitement na puntahan mo ulit at maranasan ang buhay doon nakakapagpataas ng
Maliwang pa din ang buwan,
Naghihintay ako na may lalabas na manananggal,
Iba ang lumabas kasi iba ang tinawag...Uwak
No comments:
Post a Comment