Babala mejo emo lang
Kaliwa't kanan nanaman ang baha dahil sa ulan kaya naisip ko mag -leave ng mahabang panahon babalik ako kung tag-init na para madaming outing ulit.Ganun lang yun kadali hindi ko lang alam kung pababalikin pa nila ako pagkatapos kong magdesisyon.Bakit ko ba naiisip to?ansarap lang kasi humiga ng buong araw at magbilang ng patak ng ulan mula sa butas sa yero ng bahay namin.Masarap din ang champorado na kahit tinipid sa gatas basta may asukal ok na sa tyan ko- na palaging galit at kunsimido,wala kasing mailaman parang unan na walang bulak sa loob,tulad ng mamon na puro hangin lamang.
Namimiss ko tuloy ang maging bata,yung panahon na pag-umuulan ay lalabas kami ng mga kaibigan ko para maligo.Magbabasaan ng tubig mula sa bubong ng bahay kahit alam naming puro ebak ng pusa ang andun,safeguard lang naman ang kelangan 99% germ-free na kami.Lulusong din kami sa maputik na baha na puro ihi ng daga hindi ko pa kasi alam ang spelling ng leptospirosis noon kaya kahit yung sakit na makukuha namin dun wala kaming pakialam-eh kasi nga bata. Titigil lang kami kapag tinawag na kami ng mga nanay namin na mahilig mambasag ng trip- aminin mo ganyan din yung nanay mo.
Nung nag-aaral na ako excited din ako pag maulan kasi wala nanamang pasok sa eskwelahan.Isang araw kong di makikita yung teacher ko na terror,yung teacher ko na walang ginawa kundi magkwento ng buhay nya na ala cinderella story pero mukhang bida sa kwentong "beauty & the beast",sya yung beast.Hindi ko talaga sya makakalimutan kasi hanggang ngayon kapitbahay ko pa din sya...beast pa din busy kasi si fairy godninang nakalimutan ata syang itransform.Wala ding assignment at short quiz na paboritong ibigay nila,walang algebra at physics na isinusuka ko noon actually hanggang ngayon.Hindi maaaksaya ang tinta ng panda ballpen ko at hindi nila ako pahihirapang magsulat sa catleya notebook ko.Ang downside lang pag walang pasok wala ding baon dahil yan sa tripper kong nanay.
Ngayong nagtatrabaho na iba na ang aking pananaw sa ulan,360 degrees na pagtingin sa kalagayan ng buhay ko,lahat ng anggulo kinukunsidera,hindi na isang laro at lalong wala ng kinalaman sa pag-aaral -,nasa totoong buhay na ng pagtatampisaw sa ikot ng mundo.Hindi na terror na teacher ang kinatatakutan ko ngayon,mas malaking halimaw na. andun pa din yung pangarap kong magkaroon ng mahabang bakasyon pero wala naman akong magagawa kasi kelangan kong magbanat ng buto.Kapag umuulan kahit gusto kong wag pumasok hindi ko magawa dahil sa malaking responsibilidad na nakaatang sa akin,anjan pa din si nanay hindi nya na ko sinasaway at hindi na din sya nambabasag ng trip.
No comments:
Post a Comment