Powered By Blogger

Wednesday, August 24, 2011

5 dahilan kung bakit nawawala ka sa sarili mo paminsan-minsan

Hindi natin sinasadya na pumapasok nga tayo sa trabaho pero wala ka naman sa sarili mo tipong tumatalon at naglalakbay ang isip natin kung saan, kaya naman naglista ako ng mga posibleng dahilan sa bumabagag nating kaisipan kung meron man.

1.Wala kang pera,malayo pa ang payday kelangan mo ng magbayad sa mga kinuhanan mong product tulad ng natasha,avon at mse..ang mahirap pa nito opismeyt mo lang yung inutangan mo kaya mahirap pagtaguan.

2.Binreyk ka ng gf o bf mo at dahil kolektor ka apektado nito ang kabuhayan mo.Madalas hindi mo aminin na mali ka kaya ibibintang mo sa r.o.,sa endorsement at banko mo kung bakit mababa ang collection mo.Isa ka ngang kolektor marunong lumusot

3.Excited ka sa outing o gimik nyo.Hindi ka ba mawawala sa sarili mo kung ang pupuntahan mong lugar ay matagal mo ng pangarap mapuntahan.Plus kasama mo pa ang secret crush mo na matagal mo ng gusto kaya lang nahihiya kang magtapat kasi may asawa ka na.

4. Parati kang lasing,kung pinagbabawal ng batas ang pag-inom malamang nasa deathrow kana.Tropapips mo si manong redhorse at the bar,magbababad ka sa lungga ng mga tomador(first floor)at iinum hanggang madaling araw.Libre kasi kaya sinusulit mo.Kinabukasan may pasok kaya isa ka ng certified zombie.

5.Kabaligtaran ng number 2.Inspirado ka kaya nawawala ka sa sarili mo.Sinisilip mo kasi yung bagong empleyado sa kabilang team.Pinaplano mo kung kelan ka didiskarte.Late mo na lang napansin na di ka yayaman sa bp's.

Isa sa dahilan na yan malamang naranasan mo na kaya guilty ka at magkokoment ka.

1 comment:

  1. Hi po sir dindo. Naaaliw ako sa blog mo.avid reader ako ng mga blogs e. Kc from there ako nkkakuha ng various feedback on my queries.mind you, ultimo pagpaparebond chineck ko muna s blog. Anyways, your blog is cool....at bilang madami na rin ako kilala sa vision kahit di ako tagaroon at consistent tambay lng in my bdo uniform...at somepoint..nakakarelate nmn ako...and it really makes me laugh....especially ung SOLA n manny...hehehe...

    Keep it up....dont know if your earning from this but if you do....much better...but if not ok na ring past time....enriching your ideas...and nga pla..pati youtube mo nkita ko na...next time ako na presidente bg fans club mo....hehehe....

    Two thumbs up for you sir.....
    :-D

    ReplyDelete