Powered By Blogger

Monday, August 29, 2011

no easy way


Agosto 27 2011,Madilim na ang paligid,ilaw lamang mula sa poste ang nagbibigay liwanag sa kalye pansamantalang tumigil ang noo'y malakas na ulan dala ng bagyong mina.Dumating si M at isang lalaki na kaibigan nito tila may hinihintay,merong hinahanap.

Madilim ngunit mababakas mo ang kalungkutan sa mukha ng babae hindi sya mapalagay


Lakad dito lakad doon.


Maya-maya pa ay may isang lalaking dumating si J

M:Nakita mo ba si G?

J:Nasa loob

Binuksan ni J ang gate ngunit hindi pumasok si M marahil ay nahihiya at piniling maghintay na lamang umaasang haharapin sya ni G,ang kanyang boyfriend.

Habang nagaganap ito nakasilip si G sa kanyang girlfriend,nagtatalo ang isip kung haharapin si M,hindi nya alam kung ano ang kanyang sasabihin pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Naguguluhan kaya hindi kagad makapag-isip ng dapat gawin. Pano mo nga naman sasabihin na may nagugustuhan na syang iba at ang lahat sa kanila ay tapos na

Pinili ni G na magtago na lamang.Mula sa isang transparent na salamin ay kitang kita nya si M na umiiyak,isang malakas na pag-iyak.Naaawa man ay pinigil nya ang kanyang sarili na lumapit.Marahil para kay G ay iyon ang tama.




No comments:

Post a Comment