1.Been in the business for more than 4 years.I started as a a very serious and quiet person then
2. Na-try ko ng magshoplift sa bookstore at mag 123 sa bus at jipney...
3.Wala akong sense of direction,kahit ilang beses ko na napuntahan hindi ko pa din masaulo
4. First time kong humawak ng patay when my lola(father's side)died.
5.More than 2hours ang byahe ko from silang to pasay kung mamalasin 4hours pa.So karamihan ng adventures ko sa bus nangyayari.Nung minsang dumura ang isang matanda sa sobrang lakas ng hangin sa mukha ko tumama.
6. Matakaw ako sa ispageti at ays cream,ayoko ng okra at beef
7. Madalas ako napagkakamalang nag-eeskinol dahil ng rashes ko sa mukha.
8. Tamad ako maglaba at mamlantsa pero hilig ko ang maghugas ng pinggan
9. Mabibilang sa daliri ko na nalasing ako.Mahilig sa beer at social drinker ako
10. Peyborit ko ang wrestling nung bata ako
11. Malakas ako kumain at tumawa,humuhilik din ako.
12. Hindi ko pa din nakikita si Bob Ong.
13. 9 years na akong smart cellphone user kaya naman kinatatamaran ko ng magtext at magcoll at gugustuhing matulog na lang
14. Hindi ko kayang sabihin na mabaho ang hininga mo,nahihiya kasi ako
15. Hindi ako pikon pero depende kung kaclose ko yung tao.
16. Madalas ako magka-uti at tonsilitis kaya prone ako sa sakit sa puso.
17. Akala ko dati may luslos ako
18. Madalas akong maging saksi sa mga opismeyt ko pagnalalasing,may naghuhubad,nagwawala at nakikipaghalikan.
19. Muntik na akong magluksa sa taong buhay pa pala.
20. Marami akong tinatagong sikreto ng mga opismeyt ko...Yung iba kumplikado
No comments:
Post a Comment