Powered By Blogger

Wednesday, August 24, 2011

Kitty Girls


Kung taga vision ka kilala mo sila kung hindi naman magtanong tanong ka dahil marami ang nakakakilala sa kanila.Pano ba sila nabuo? Isang alamat bigla na lang sila tumubo at tinawag ang sariling the kitty girls.Kilalanin natin ang sikat na grupo isa-isa.

1 Beatrice- Ang ballet dancer ng grupo,paglasing na kaya nyang magsplit,at abutin ng tiptoe yung likod ng ulo nya.Minsan nawawala sa sarili at kayang mabuhay sa tabing dagat ng buong magdamag.Wag mo na tanungin kung ano ginawa nya dun kasi may selective amnesia sya.

2.Trixie-Party girl ng grupo,mestisahin kaya naman habulin ng mga lalaki.Peg nya si Paris kaya wag magtaka kung papasok sya isang araw blonde na din ang buhok tulad ng idol nya.Frustrated chef din sya, ang last status update nya nagluto ng pininyahang manok,I wander kung ano lasa.

3.BB-Matagal nyang hinawakan ang pagiging Binibining Balingkinitan ng ilang taon ngunit ngayong taon may umagaw na.Nasangkot sa isang gulo kamakaylan kasama ang bf,Isang battered gf at malamang sumali na sa gabriela dahil sa karanasan nyang yun.

4.Princess-Ang lider ng grupo,senior kitty girl member,fashionista,ang may kasalanan ng lahat,nagbalak mag renta ng videoke ngunit nabigo,minsan na din nagbalak ng japanese theme nung xmas party ngunit bigo din.Nagbalak isalang ang kitty girls sa pagsasayaw walang sumuporta.Uulitin ko lider sya ng grupo hehehe.

5.Sunshine-Sumali na sa isang beauty pageant nung college,inilihim ngunit nabuking din.Ang ebidensya isang larawan na itinag sa kanya sa FB.Half naked

6.Perla-Buhay pa sya at nagbabalik sa House of V(vision)Ang singer ng grupo,ang future superstar with a golden voice,lakas maka-nora aunor talagang tatambling ka pag narinig mo sya.Magtatayo ng sariling foundation ang Piso para kay Perla Foundation.Ang unang nyang proyekto sya na sagot ng hospital bill mo.

7 Sabrina-wala ako masabi dito..

8.Bogart-Ang nagiisang First lady,mahaba ang biyas at lahat kayang lulunin,lakas makaproject pang fhm,at nagbigay ng pangalan sa kitty girls.Kung kelangan nyo ng serbisyo ng grupo sya ang kontakin nyo,For all occassion pwede fiestahan at kahit lamay pa binubook nya

Ilan lang sila sa member ng grupo,sa lahat ng gustong sumali hanapin lang si Princess at magconfess.Confidential ang lahat ng impormasyo,makakaasang ipupublish ang iyong pangalan sa FB at garantisadong pagtsitsismisan ka at dahil binasa mo ito bawal manghula kung sino sila.

No comments:

Post a Comment