Note: Ang post na ito ay nasa draft ko lang ng mahabang panahon,Hindi ito natapos sa di ko na matandaang dahilan,Anyway masarap pa rin balikan
Lobo Batangas
Puyat at masakit yung likod ko habang ginagawa ko yung post na ito pero masaya ako kasi hindi nasayang yung bakasyon ko.Kasama yung mga friends/officemate ko nagpunta kami sa Lobo Batangas.Nanggaling na ako dito before pero this time iba naman yung mga kasama ko.Holiday vacation ba kamo?ayun sinulit na namin.
4am yung usapan namin na magkita-kita sa opis pero may mga tao talagang kahit maayos na ang usapan 5am pa din ang dating,pinoy nga naman.Muntik na akong mabadtrip pero inintindi ko na lang sayang ang bakasyon masisira lang.Dumating kami ng maaga kahit malayo at zigzag ang daan mahilo hilo silang lahat pero halata mo na excited.Dun kami tumuloy sa kamag-anak ni Manny.Kumain kami bandang 10am ng umagahan sayang kung alam ko lang na 8pm ang kasunod nun sana dinamihan ko na yung kain ko.Thank you Manny dahil sa paglalasing mo ay halos buhangin ang kainin namin.Lol.Peni-penitensya din kung minsan.
Ayan yung busog pa kami.
Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa nag baon kami ng alak at sinimulan ang tagayan.Wala pa din kaming clue ha na malalasing si Manny sa katunayan feel na feel pa ni Resty ang kumanta sa videoke.
Naramdaman nyo ba yung kanta nya?hehehe
Syempre may kanya-kanyang eksena ang lahat sa puntong ito walang pang lasing likas lang talaga ang kakulitan ng lahat
Hindi pa nawawala si Manny ng mga oras na ito
Akalain mo si Regine hindi alam ang pagkakaiba ng aso at kambing?tsk tsk kawawang aso may mga taong sadyang judgmental
Madami-dami na din kaming naiinom,halata sa lahat yung tama ng alak yung isa nga dun lumuhod pa habang kumakanta ng Pano na kaya?ni Bugoy Drilon.
No comments:
Post a Comment