Powered By Blogger

Monday, December 24, 2012

Busy December

Merry Christmas to all Alam ko maraming excited ngayong pasko pero hindi ko masyadong maramdaman,sign of aging naba?Hindi naman siguro,marami lang talagang ginagawa busy sa work at sa parating na audit (Please Lord wala sanang audit findings) bukod pa sa kaliwat kanang parties.December is my busiest month andaming kelangang ayusin.Hindi naman puro work lang kasi nag outing naman kami ng mga opismate ko para sa pre-birthday celebration ni Jimmar,may pre birthday celeb talaga kasi excited lang magswimming january pa po ang birthday nya.We went to Laguna kasi yun naman talaga ang pinakamalapit at pinakasulit puntahan kasi wala naman talagang mahabang preparasyon parang dalawang araw lang namin pinlano at nangyari na kaagad.Ok naman yung place sa sobrang ok walang nakatanda kung ano ang name ng resort basta located sya sa Pansol.Merun din kaming party ng Tgif(thank God its Friday)samahan ng mga lusaw atay tuwing biyernes.Medyo magulo pero masaya yun nga lang nakakapagod umuwi na ako ng 3am masyado ng pagod ang katawan ko para magextend pa.I-mention ko na din yung pinagdadaanan ng Ngangeyz member na si Gem,we found out na may sakit yung father nya,nakakalungkot kasi ilang years din silang hindi nagkita at walang komunikasyon, after ng swimming sa Pansol dun namin nalaman ang kalagayan ng tatay nya,Wala naman akong magawa kaya ipagdasal na lang natin na sana gumaling na sya.Si Jp naman na kasama ko na ng mahigit 3 taon ay nagdecide na iwan yung opis hindi naman ako nagulat kasi alam ko na matagal nya na yung balak.Pinigilan ko sya kasi alam ko things will never be the same pagnawala sya,yung mga kagaguhan at katangahan namin together mahirap atang pantayan ulit yun.Napakadaming tawa at lungkot yung pinagsamahan namin Hindi ko naman sya masisi kaya I wish him the best sa bago nyang work.Yoko maging emosyonal at matagal kong iniiwasan na pag-usapan yung pagreresign nya pero everytime na nalalasing si Gem nagiging emosyonal sya.Wag ko na kaya sya painumin?Hindi pwede baka lalong magwala baka hindi na sya mautusan bumili ng alak.
Lahat tayo dapat masaya,lahat tayo dapat magpasalamat,may nawawala man o may kulang ang importante tuloy tuloy tayo sa pag-move-on hindi nga natuloy ang end of the world ibig sabihin tuloy ang ikot ng mundo.Muli Merry Christmas

2 comments: