Powered By Blogger

Sunday, July 29, 2012

The Birthday

don't have any pictures yet kaya pakigamit na lang ang inyong imahinasyon sa kwento ko regarding sa birthday ni Sir Jason(recoveries &; recruitment coordinator na ang tawag sa kanya I hope di ako nagkamali kaya don't refer to him as a sup) last friday,nagstart yung celebration right after office hours masyadong excited ang tgif club kaya wala ng sinayang na oras as expected katulad ng sinabi ko mostly tgif members(referring to tomador ng Vision) ang andun para makicelebrate.Alam kong mapapalaban ako sa inuman buti na lang nagyaya si Chad(sup) kasama si Marlo(yung former sup)na kumain muna.Saglit lang kami kumain then bumalik kami kaagad.

The usual inuman at kantahan it was quite boring for me at first inaamin ko yan kasi hindi naman ako sanay sa cocktail drinks at nagshoshot lang ng nakatayo halos wala na kasing maupuan and I was kinda hesitant kumuha ng beer or maybe dahil alam kong masyadong maaga para magpakalasing.Iniligpit ko muna ang aking sarili para sa mahabang inuman.Nakipagkwentuhan muna ako till nagdecide na ako gawing profession ang pag-inum.Everyone is kinda tipsy na kaya dapat humabol,dumadami din ang mga bisita ng birthday boy at lahat ay unti unting nag-iinit...literal na nagiinit

Umikot ako ng 360 degrees (around 10 pm) hindi dahil sa nahihilo ako kundi para pagmasdan ang mga lango sa alak wala pang damage unti unting lumalalim ang gabi at sa tingin ko ay okay pa ang lahat.Maingay at puno ng tawanan ang crowd kung loner ka hindi ito ang lugar para sa'yo


Nagcheck din ako ng nakareserve na songs sa videoke hindi nakakapagtaka yung nakita ko kung gaano kaadik sa alak ang taga vision ganun din sila sa pagkanta matagal pa yung kanta ko kelangan ko bantayan dahil may aagaw nyan sigurado.


Over flowing ang alak pero unti-unti na kaming nababawasan kahit yung birthday boy umalis na din time check 12am madaling araw na bumababa na ang energy pero tuloy pa din ang pag-inum.May mga umalis man merun namang mga pumalit.Nagpahinga ako ng konti may tama na din kasi ako 


May mga kwento na ayaw ko na ielaborate as usual hindi naman talaga maiiwasan yun kanya kanyang eksena na hindi ko na sasabihin.Indeed the party was fun umabot nga ng 4am eh

Monday, July 16, 2012

#HBDManny

Medyo late na yung post ko kasi bihira ako magkaroon ng time para mag-blog at mag net ng matagal.Last week was a bit dramatic for me kasi binalak kong mag-resign sa company because of so many reasons.Hati yung loob ko na maiwan yung work ko at syempre yung mga friends ko.God knows how much I came to love this place and the people around me.I am so proud and humble at the same time because they value me so much,I really appreciate it.Thanks to those who has concern about my situation you know who you are.

In other news.Masaya naman yung kaibigan ko na si Manny sa kanyang birthday ilang araw din sya  nagcelebrate since marami syang set of friends

Tuesday, July 3, 2012

Ulan

Babala mejo emo lang

Kaliwa't kanan nanaman ang baha dahil sa ulan kaya naisip ko mag -leave ng mahabang panahon babalik ako kung tag-init na para madaming outing ulit.Ganun lang yun kadali hindi ko lang alam kung pababalikin pa nila ako pagkatapos kong magdesisyon.Bakit ko ba naiisip to?ansarap lang kasi humiga ng buong araw at magbilang ng patak ng ulan mula sa butas sa yero ng bahay namin.Masarap din ang champorado na kahit tinipid sa gatas basta may asukal ok na sa tyan ko- na palaging galit at kunsimido,wala kasing mailaman parang unan na walang bulak sa loob,tulad ng mamon na puro hangin lamang.

Namimiss ko tuloy ang maging bata,yung panahon na pag-umuulan ay lalabas kami ng mga kaibigan ko para maligo.Magbabasaan ng tubig mula sa bubong ng bahay kahit alam naming puro ebak ng pusa ang andun,safeguard lang naman ang kelangan 99% germ-free na kami.Lulusong din kami sa maputik na baha na puro ihi ng daga hindi ko pa kasi alam ang spelling ng leptospirosis noon kaya kahit yung sakit na makukuha namin dun wala kaming pakialam-eh kasi nga bata. Titigil lang kami kapag tinawag na kami ng mga nanay namin na mahilig mambasag ng trip- aminin mo ganyan din yung nanay mo.

Nung nag-aaral na ako excited din ako pag maulan kasi wala nanamang pasok sa eskwelahan.Isang araw kong di makikita yung teacher ko na terror,yung teacher ko na walang ginawa kundi magkwento ng buhay nya na ala cinderella story pero mukhang bida sa kwentong "beauty & the beast",sya yung beast.Hindi ko talaga sya makakalimutan kasi hanggang ngayon kapitbahay ko pa din sya...beast pa din busy kasi si fairy godninang nakalimutan ata syang itransform.Wala ding assignment at short quiz na paboritong ibigay nila,walang algebra at physics na isinusuka ko noon actually hanggang ngayon.Hindi maaaksaya ang tinta ng panda ballpen ko at hindi nila ako pahihirapang magsulat sa catleya notebook ko.Ang downside lang pag walang pasok wala ding baon dahil yan sa tripper kong nanay.

Ngayong nagtatrabaho na iba na ang aking pananaw sa ulan,360 degrees na pagtingin sa kalagayan ng buhay ko,lahat ng anggulo kinukunsidera,hindi na isang laro at lalong wala ng kinalaman sa pag-aaral -,nasa totoong buhay na ng pagtatampisaw sa ikot ng mundo.Hindi na terror na teacher ang kinatatakutan ko ngayon,mas malaking halimaw na. andun pa din yung pangarap kong magkaroon ng mahabang bakasyon pero wala naman akong magagawa kasi kelangan kong magbanat ng buto.Kapag umuulan kahit gusto kong wag pumasok hindi ko magawa dahil sa malaking responsibilidad na nakaatang sa akin,anjan pa din si nanay  hindi nya na ko sinasaway at hindi na  din sya nambabasag ng trip.

 Ano ang aking punto?tumanda man ako at magbago man ang ikot ng mundo,anjan pa din sya,minsan malakas  at minsan mahina...Ulan




Sunday, July 1, 2012

what happened in vision

Marami ng nangyari sa buhay ko na kinda interesting iblog kaya lang im saving it to my other blog.Bihira ako makapag update dahil hindi  gumagana ang brain ko lately.I was not really in the mood actually.Mas active pa ako sa twitter kung tutuusin.(Habang sinusulat ko ito nakamonitor ako sa twitter ko.)

Speaking of twitter nag resign na ng tuluyan  si @marlou07 aka marlo,maraming salamat sa taon na nagkasama tayo sa opisinang ito hindi ko alam kung babalik ka pero sana ay wag mo kalimutan yung mga kaibigan mo dito.Hindi ko makakalimutan na minsan kitang naging supervisor kahit wala akong natutunan sayo at bilang mas matanda ka naman talaga ng di hamak sa akin dito.Isa kang kawalan sa opisinang ito pero tandaan mo makakamoved on din kami sa pag-alis mo.Isa pang umalis ay si Cyrus na isa sa mga nagbabasa ng blog ko,mabibilang lang kasi sa daliri ang nakakabasa nito kaya ako ay labis na nalulungkot sa pagkawala nya parang namatayan  ako ng kuko ganun kasakit.Nalipat din ako ng team,di tulad ng pagkawala ko sa bdo nun ng malipat ako sa globe, hindi naman ako gaanong naging emosyunal kasi malapit sa puso ko ang team na ito dahil dun ako nagsimula.It's nice to be back my citigroup family.

Gusto ko din batiin yung mga close friends ko dito,Belated happy birthday kay Krisfelyn maraming salamat sa pagbili ng aking mga patawa isa kang matalinong babae.Huwag ka lang masyadong iinum kasi nakakatakot ka tumingin yung tipong tumitirik tapos naka red lipstick pa creepy lang masyado.

Si Jp na dalawang araw nag leave para makatakas sa responsibilidad nyang mag-painum,Maligayang kaarawan sayo

Si Manny na magbibirthday pa lang sa july 8,masyadong malayo ang batangas kaya di ako makakasama ganumpaman humihingi ka sa akin ng surprise birthday party sa panahon ngayon nahihingi na pala ang surprise birthday party?paano pa sya naging surprise kung obligado na kami?May surprise man o wala ,wala ng makakapigil sa pagtanda mo,ika nga nila ang birthday ay lilipas din at wag masyado umasa.

Congratulations naman kay Ailene na reader din nitong blog ko,alam ko masaya ka at patuloy ka sanang maging masaya sa paglapit ng araw ng isisilang mo na sya.Patunay lang na isa kang tunay na babae.Bow

Kay Jerome na magiging ama na mali ang tsismis.Pinatunayan mo na isa kang tunay na lalaki,matapang na tao
isa kang tigasin,tigasaing at tigalaba.

At sa lahat ng newbies Welcome to Vision,hihintayin ko ang talent nyo