Ayan may tribute ako kay Susan bilang mamamaalam na sa Vision.Ilang araw na lang madadagdagan na ang istatistika ng mga walang trabaho sa Pilipinas,kabilang sa magiging problema ng gobyerno at higit sa lahat pabigat sa lipunang naghihikahos na.Akalain mo nga namang nakuha pang magresign at makisapi sa Hukbong sandatahan ng mga tambay sa Pilipinas.Hindi ko alam ang totoong dahilan sa pag-alis nya pero ako ay grateful(umi-english lang) dahil sa sandaling pagkakataon ay napatawa at napahalakhak ako sa mga antics nya.Hindi ko malilimutan ang mga astig nyang facebook status,ang kulitan sa tuwing may inuman at ang hindi ko maipaliwanag na personalidad na sya lang ang merun.Hindi ko din makakalimutan ang pagpatol nya kay simsimi minsan nga naiisip ko hindi sya talaga busy.
Naghihinayang ako na mawawala sya may rookie of the year kasi sya na natanggap galing sa opisina,ibig sabihin nito ay may potensyal sya maging magaling na kolektor pero on the second thought si Susan nga lang pala ang bago sa team nya kaya wala silang choice kundi ibigay sa kanya.Malungkot ako sa pag-alis nya pero umaasa ako na may maidudulot na kabutihan ito sa kanya -career growth siguro.

Kung anuman at saanman ikaw patungo tumingala ka lang sa iyong pupuntahan at wag kalimutang ngumiti sa inyong pinanggalinganHindi masama ang bumitaw sa bagay na napamahal na sa atin lalo na kung sa tingin natin kinakailangan na itong bitawan.Yes she maybe a quitter but at least she can show us her graceful exit.
click to enlarge
thank you sir... ^_^
ReplyDelete