Powered By Blogger

Thursday, April 23, 2015

g2 hair keratin products


For only Php250 please call or text 09157030384 and look for Dindo

For orders we can meet at this following area Pasay,Sm Dasma And Sm Bacoor







Saturday, April 11, 2015

Flashback

Note: Now ko lang din nabasa ang comment na to na pumasok sa spam ko.Tungkol ito sa isa kong entry.Here's the link ako si inhouse collector...Sayo na nagtyaga magcomment, hindi ko maalala kung tungkol saan ang entry ko pero nirerespeto ko ang opinyon mo...

Comment by anonymous E ikaw pla e...d k p nga pede mgng writter.,bias ang write ups mo...dnt be rude to ur self man..,nwei...it is your opinion.,and as far as i am concern,we are living in a free country that we can express our own opinion.

E ako nga,i dnt know f it s right to be here in your "world" for i am sure some of ur ofismate knows who am i...and yet...i stl choose to get involved..for i think my past issue wth ur co worker is past and i am here, not as his ex but as a person who found someone that is same with my passion in life..reading and reblogging....

I will undrstand f u will nt approve this comment of mine..who knows...ako pala pnapatungkulan netong article mo to...wag nmn sana...
:-)

Summer Outing 2013

Note: Ang post na ito ay nasa draft ko lang ng mahabang panahon,Hindi ito natapos sa di ko na matandaang dahilan,Anyway masarap pa rin balikan

Lobo Batangas


Puyat at masakit yung likod ko habang ginagawa ko yung post na ito pero masaya ako kasi hindi nasayang yung bakasyon ko.Kasama yung mga friends/officemate ko nagpunta kami sa Lobo Batangas.Nanggaling na ako dito before pero this time iba naman yung mga kasama ko.Holiday vacation ba kamo?ayun sinulit na namin.

4am yung usapan namin na magkita-kita sa opis pero may mga tao talagang kahit maayos na ang usapan  5am pa din ang dating,pinoy nga naman.Muntik na akong mabadtrip pero inintindi ko na lang sayang ang bakasyon masisira lang.Dumating kami ng maaga kahit malayo at zigzag ang daan mahilo hilo silang lahat pero halata mo na excited.Dun kami tumuloy sa kamag-anak ni Manny.Kumain kami bandang 10am ng umagahan sayang kung alam ko lang na 8pm ang kasunod nun sana dinamihan ko na yung kain ko.Thank you Manny dahil sa paglalasing mo ay halos buhangin ang kainin namin.Lol.Peni-penitensya din kung minsan.

Ayan yung busog pa kami.

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa nag baon kami ng alak at sinimulan ang tagayan.Wala pa din kaming clue ha na malalasing si Manny sa katunayan feel na feel pa ni Resty ang kumanta sa videoke.

Naramdaman nyo ba yung kanta nya?hehehe


Syempre may kanya-kanyang eksena ang lahat sa puntong ito walang pang lasing likas lang talaga ang kakulitan ng lahat

Hindi pa nawawala si Manny ng mga oras na ito


Akalain mo si Regine hindi alam ang pagkakaiba ng aso at kambing?tsk tsk kawawang aso may mga taong sadyang judgmental


Madami-dami na din kaming naiinom,halata sa lahat yung tama ng alak yung isa nga dun lumuhod pa habang kumakanta ng Pano na kaya?ni Bugoy Drilon.














Tuesday, January 21, 2014

Gumaca

Kakaiba yung weather ngayon dito sa Pasay pero mas malamig din sa Quezon,actually nitong weekend lang kami nagpunta hindi rin malinaw sa kin kung anong bayan sa Quezon ang aming destinasyon basta naniwala na lang ako na makakarating ako sa aking pupuntahan eto kasing kaibigan ko Atimonan daw ang punta namin pero hindi pala totoo di ko alam san nya nakuha yun buti na lang susunduin kami sa Lucena ng kapatid nya,ngayon kung sakali man na hindi kami sinundo malamang sa kuta na ng masasamang loob kami napunta
piktyur muna bago umalis

sa jam liner kami sumakay

Nakarating kami sa Gumaca Quezon mag alas nuwebe ng gabi,madilim ang paligid sing dilim ng kaibigan kong si Manny- joke lang po!!!.Enentertain kami ng ate nya nasi Ate Maribel yung sumundo sa amin tulad ni Manny mahilig din sya gumamit ng cellphone madadaig ang presidente kung gumamit sa higit 2 oras na byahe namin mula Lucena hanggang Gumaca wala syang ginawa kundi tumawag nahiya ang mga kolektor sa hobby nya ,si Manny naman hindi nagpatalo madami din kausap,kung may insurance nga ang pagloload ng unli sigurado ako insured na ang buhay nila.

hinihintay naming umandar ang bus


Nasa probinsya na talaga ako napakalamig ng simoy ng hangin,napakasarap ng hapunan namin,at napakatakaw ni Gemima...opo mahilig sya sa alimasag na syang ulam namin.


wala si Manny napagkamalang alimasag ayun kinain ng dalawa

Pinuntanhan din kami ng Kapitan ng barangay hindi para kunin ang kamay ni Manny o ni Gem kundi para makipaginuman at makipagkamustahan.Kayo na bahala mag isip kung ano talaga pakay nila sa amin pero siguradong walang kasalang magaganap.Hindi pa handa ang  kaibigan ko.

hawak nilang dalawa yung tapalang

Natulog kami sa iisang kwarto,napakasarap ng tulog ko malamig parang ang hirap gumalaw hindi ko nga hinubad yung jacket ko,lamig na lamig kaming lahat ako si Jp at si Gem,pero dahil alam ng lahat na may pagkabalat ng kalabaw ang balat ni Manny naiinitan daw sya.

malamig pa din yung panahon


Maaga kaming nagising pero sa sobrang lamig hindi kami agad nakakilos pero dahil mahalaga ang ipinunta namin at maaari kaming kulangain sa oras nagpasya na kaming tumayo at magmadaling mag agahan,bumili si Manny ng tinapay pinagtalunan pa namin kung buns o monay ang binili nya walang gustong magpatalo lahat naniniwala na tama ang isa't isa kaya nagpasyang mag kol a friend este kol a sis..si sister  Maribel ang sumagot monay daw...tama si Manny bakas ang pride sa mukha niya na sya ang tama,na ang kinain namin ay monay at hindi buns lutong macao sigaw ng isip ko pakiramdam ko kasi may dayaan,may kinalaman man sa gyera,sa bagyo at lindol ang pagtatalo namin hindi ko alam basta...ganyan sya

papuntang fish pond


si ate Maribel ang kapatid ni manny,dinaya nila ako buns talaga un



Naglakad kami sa di kalayuang lugar,malawak na pananim ng palay...malakas na hangin at kulay green ang paligid.Maya-maya naman ay narating nanamin ang aming pakay andun din si Kap at ang kanyang asawa nilibot nya kami sa malawak nyang palaisdaan.Mabait ang mag-asawa, hindi sila naging madamot ikwento ang mga natatagong yaman ng lugar nila hindi ko lang alam kung nakikinig ang aking kaibigan

bakawan o mangroves ang tawag jan




May nakita kaming mga alimasag,mga maliliit ng isda at kung anu anung bagay pa, para kaming bata na manghang manghang sa aming nakikita sabi pa nga ni Gem may ahas daw sa mga butas na yan.

kwentong kutsero lang pala,alimasag ang pumapasok jan

Naabutan naming may nanghuhuli pa ng alimasag at mga maliliit na isda tulad ng tilapia anak daw ng kapitan si kuya
parte yan ng napakalaking palaisdaan ni kapitan


Nilibot pa namin ang buong  lugar na pagmamay-ari ni kapitan,kasama si ate Maribel na tour guide namin,ang asawa nya,si kapitan at ang kanyang asawa.

hanapin nyo si Manny jan


Nag matapos ikinuha kami nila kuya ng buko,maliliit ang buko nila kasi tubig alat daw ang tubig dun malapit kasi sa dagat.


yung bibig ni Jp at Gem  nahulma sa butas ng buko...nasarapan ata


Tanghali na kaya naman umuwe na kami naghanda na si kuya ng pananghaliaan ,may maliliit na isda at hipon
tinyaga nya alisan ng ulo yung isda,mapaiit daw kasi yun.

habang kami ay nakatoka sa gulay
Masarap ang naging tanghalian namin at sa sobrang lamig ay humiga pa kami at nagpahinga,nagkakatamaran pa nga kaming maligo.Pagkatapos magpahinga at magpanggap na mayaman napilitan na kaming magayos..bilin pa ni ate Maribel wag daw kaming umalis na may baligtad na damit kahit yung hinubad na,hindi ko alam kung bakit.


Si Manny hindi naligo kung sino pa ang may balat ng kalabaw sya pa yung hilamos lang.
Umalis kami ng lampas alas dos ng hapon at nakarating ng ligtas ng mag alas nuwebe ng gabi.pagod na pagod pero sulit na sulit ang weekend namin,balak namin bumalik sa april kasama ang yolo club at sa mga nagtatanong kung asan si Manny sa piktyur na ito...




Wala po talaga sya jan...andito sya


bouquet of sitaw


Pumarada "nutrition month" daw.

Monday, January 13, 2014

Astig 2

Naalala nyo ba to?... please click

Now that  its 2014 let us all look back and countdown our new astig facebook status of 2013 here in Vision(vvcsi).This is according to my taste and purely just for fun.

10. Dream role ni echo yan and I think his living on his dreams


9.From the selfie king himself ,he's single and desperate that time,pero bumabaha ng cheesiness sa timeline nya ngayon mananawa ka.


8.Basag binigyan talaga siya ng tattoo ink


7.Binabasag din sya kahit di opismate


6.Another one from jericho



5 Who would not remember a status that launch a thousand ships...gyera na to.Tinanggalan nya tayo ng lamesa nung lunch natin,pati aircon at pc natin pinagtripan.


4.Walang kokontra..almost same entry dati kaya pasok sya..hilarious!!!

3.Natae ako dito


2.It really looks ordinary pero pag nagpopost kasi sya ng about sa cravings or about her appetite or anything about food cant't help it but smile at yun ang kinaiinisan nya sa akin



1.At ang nagwagi walang iba kundi.....Fave movie ko to at di ko maimagine sya ang gumaganap sa role ni Maja










Wednesday, December 18, 2013

Blogero


Im back from blogging and hopefully for good na 'to,muntik ko na ngang malimutan na may blog pa pala ako kasi one year na din ako nanahimik but since hindi naman ganun ka busy at petiks naman talaga-wag maingay baka marinig ng hr at admin head,cge simulan na natin magkwento. Katatapos lang ng Jollibee christmas party namin ayun masaya naman kahit nagutom ako kasama ng committee gabi na kami kumain para lang mabigay yung munting regalo ng opisina pero its all worth it lahat naman sila nakangiti at nakapaguwe kahit papano.Nawalan nga pala ng ham yung isang tropa ko itago natin sa pangalang Gen ang friendliest kolektor in town wala nga yan kaaway dito. Walang nakaalam kung san napunta o kung sino dumekwat...eto tuloy nangyari sa kanya

pasensya  na sa resolution ng phone ko
Naging maingay at masaya yung Jollibee experience namin ang saya ng host para lang nasa comedy bar wala nga lang alak.Patok ang mga games syempre di nawala yung whoops kiri uso kasi ngayon un papatalo ba kami este sila pala.After the wholesome christmas party direcho kami sa opis para magshot,nagrent na din kami .ng videoke sa aming suki.Inaway ni Gem kinabukasan yung suki namin dahil maaga nya kinukuha yung videoke pero dahil adik lang di kami pumayag mukhang nagtampo naextend yung kantahan,may mapapala pala kami sa ilong nya este bibig nya wahahaha..

Nagmall din kami bilang madami kaming pera (one day millionaire) O ayan o kita sa pic napagod kami di lang nakuhaan yung pinamili hindi kasi kami nagbitbit (daydreaming)

crush nung isa dyan yung kumuha ng pic namin


Hindi na namin pinakita yung food nakakahiya man po aminin gutom na gutom sila kaya wala po natira

sabi nga ni eco taga yemen ang taong to yemen-yemenen


Pagkatapos kumain kahit mabigat ang mga tyan nagtungo kami sa watsons yun bang bilihan ng mga pampaganda at pampapogi.Hulaan nyo kung sino ang nauna pumasok...tama kayo si Manny halatang kelangan nya yun,akala nya kasi may benefits kung mauuna sya (pakibigyan ng lotion yan yung may spf30)Huling pumasok si Ogie(yan yung pronounciation ni Manny sa pangalan ni Uge)masyado bilib sa sarili no? hindi nangangailangan ng pampapogi.Naknamputa!

kumain na po sya nyan
Bago ko tapusin yung kwento ko ..bago kami kumain ayaw ni Gem na kumain sa table na yun kasi sira daw yung cover.
sira yung upuan

Pero tingin at palagay ko ayaw nya lang mapagkamalang parte sya ng upuan.Magkakulay o?like!




Ps

Thanks Mam kim,Mam Jlo at Rico Merry Christmas






Monday, December 24, 2012

Busy December

Merry Christmas to all Alam ko maraming excited ngayong pasko pero hindi ko masyadong maramdaman,sign of aging naba?Hindi naman siguro,marami lang talagang ginagawa busy sa work at sa parating na audit (Please Lord wala sanang audit findings) bukod pa sa kaliwat kanang parties.December is my busiest month andaming kelangang ayusin.Hindi naman puro work lang kasi nag outing naman kami ng mga opismate ko para sa pre-birthday celebration ni Jimmar,may pre birthday celeb talaga kasi excited lang magswimming january pa po ang birthday nya.We went to Laguna kasi yun naman talaga ang pinakamalapit at pinakasulit puntahan kasi wala naman talagang mahabang preparasyon parang dalawang araw lang namin pinlano at nangyari na kaagad.Ok naman yung place sa sobrang ok walang nakatanda kung ano ang name ng resort basta located sya sa Pansol.Merun din kaming party ng Tgif(thank God its Friday)samahan ng mga lusaw atay tuwing biyernes.Medyo magulo pero masaya yun nga lang nakakapagod umuwi na ako ng 3am masyado ng pagod ang katawan ko para magextend pa.I-mention ko na din yung pinagdadaanan ng Ngangeyz member na si Gem,we found out na may sakit yung father nya,nakakalungkot kasi ilang years din silang hindi nagkita at walang komunikasyon, after ng swimming sa Pansol dun namin nalaman ang kalagayan ng tatay nya,Wala naman akong magawa kaya ipagdasal na lang natin na sana gumaling na sya.Si Jp naman na kasama ko na ng mahigit 3 taon ay nagdecide na iwan yung opis hindi naman ako nagulat kasi alam ko na matagal nya na yung balak.Pinigilan ko sya kasi alam ko things will never be the same pagnawala sya,yung mga kagaguhan at katangahan namin together mahirap atang pantayan ulit yun.Napakadaming tawa at lungkot yung pinagsamahan namin Hindi ko naman sya masisi kaya I wish him the best sa bago nyang work.Yoko maging emosyonal at matagal kong iniiwasan na pag-usapan yung pagreresign nya pero everytime na nalalasing si Gem nagiging emosyonal sya.Wag ko na kaya sya painumin?Hindi pwede baka lalong magwala baka hindi na sya mautusan bumili ng alak.
Lahat tayo dapat masaya,lahat tayo dapat magpasalamat,may nawawala man o may kulang ang importante tuloy tuloy tayo sa pag-move-on hindi nga natuloy ang end of the world ibig sabihin tuloy ang ikot ng mundo.Muli Merry Christmas