Powered By Blogger

Tuesday, January 21, 2014

Gumaca

Kakaiba yung weather ngayon dito sa Pasay pero mas malamig din sa Quezon,actually nitong weekend lang kami nagpunta hindi rin malinaw sa kin kung anong bayan sa Quezon ang aming destinasyon basta naniwala na lang ako na makakarating ako sa aking pupuntahan eto kasing kaibigan ko Atimonan daw ang punta namin pero hindi pala totoo di ko alam san nya nakuha yun buti na lang susunduin kami sa Lucena ng kapatid nya,ngayon kung sakali man na hindi kami sinundo malamang sa kuta na ng masasamang loob kami napunta
piktyur muna bago umalis

sa jam liner kami sumakay

Nakarating kami sa Gumaca Quezon mag alas nuwebe ng gabi,madilim ang paligid sing dilim ng kaibigan kong si Manny- joke lang po!!!.Enentertain kami ng ate nya nasi Ate Maribel yung sumundo sa amin tulad ni Manny mahilig din sya gumamit ng cellphone madadaig ang presidente kung gumamit sa higit 2 oras na byahe namin mula Lucena hanggang Gumaca wala syang ginawa kundi tumawag nahiya ang mga kolektor sa hobby nya ,si Manny naman hindi nagpatalo madami din kausap,kung may insurance nga ang pagloload ng unli sigurado ako insured na ang buhay nila.

hinihintay naming umandar ang bus


Nasa probinsya na talaga ako napakalamig ng simoy ng hangin,napakasarap ng hapunan namin,at napakatakaw ni Gemima...opo mahilig sya sa alimasag na syang ulam namin.


wala si Manny napagkamalang alimasag ayun kinain ng dalawa

Pinuntanhan din kami ng Kapitan ng barangay hindi para kunin ang kamay ni Manny o ni Gem kundi para makipaginuman at makipagkamustahan.Kayo na bahala mag isip kung ano talaga pakay nila sa amin pero siguradong walang kasalang magaganap.Hindi pa handa ang  kaibigan ko.

hawak nilang dalawa yung tapalang

Natulog kami sa iisang kwarto,napakasarap ng tulog ko malamig parang ang hirap gumalaw hindi ko nga hinubad yung jacket ko,lamig na lamig kaming lahat ako si Jp at si Gem,pero dahil alam ng lahat na may pagkabalat ng kalabaw ang balat ni Manny naiinitan daw sya.

malamig pa din yung panahon


Maaga kaming nagising pero sa sobrang lamig hindi kami agad nakakilos pero dahil mahalaga ang ipinunta namin at maaari kaming kulangain sa oras nagpasya na kaming tumayo at magmadaling mag agahan,bumili si Manny ng tinapay pinagtalunan pa namin kung buns o monay ang binili nya walang gustong magpatalo lahat naniniwala na tama ang isa't isa kaya nagpasyang mag kol a friend este kol a sis..si sister  Maribel ang sumagot monay daw...tama si Manny bakas ang pride sa mukha niya na sya ang tama,na ang kinain namin ay monay at hindi buns lutong macao sigaw ng isip ko pakiramdam ko kasi may dayaan,may kinalaman man sa gyera,sa bagyo at lindol ang pagtatalo namin hindi ko alam basta...ganyan sya

papuntang fish pond


si ate Maribel ang kapatid ni manny,dinaya nila ako buns talaga un



Naglakad kami sa di kalayuang lugar,malawak na pananim ng palay...malakas na hangin at kulay green ang paligid.Maya-maya naman ay narating nanamin ang aming pakay andun din si Kap at ang kanyang asawa nilibot nya kami sa malawak nyang palaisdaan.Mabait ang mag-asawa, hindi sila naging madamot ikwento ang mga natatagong yaman ng lugar nila hindi ko lang alam kung nakikinig ang aking kaibigan

bakawan o mangroves ang tawag jan




May nakita kaming mga alimasag,mga maliliit ng isda at kung anu anung bagay pa, para kaming bata na manghang manghang sa aming nakikita sabi pa nga ni Gem may ahas daw sa mga butas na yan.

kwentong kutsero lang pala,alimasag ang pumapasok jan

Naabutan naming may nanghuhuli pa ng alimasag at mga maliliit na isda tulad ng tilapia anak daw ng kapitan si kuya
parte yan ng napakalaking palaisdaan ni kapitan


Nilibot pa namin ang buong  lugar na pagmamay-ari ni kapitan,kasama si ate Maribel na tour guide namin,ang asawa nya,si kapitan at ang kanyang asawa.

hanapin nyo si Manny jan


Nag matapos ikinuha kami nila kuya ng buko,maliliit ang buko nila kasi tubig alat daw ang tubig dun malapit kasi sa dagat.


yung bibig ni Jp at Gem  nahulma sa butas ng buko...nasarapan ata


Tanghali na kaya naman umuwe na kami naghanda na si kuya ng pananghaliaan ,may maliliit na isda at hipon
tinyaga nya alisan ng ulo yung isda,mapaiit daw kasi yun.

habang kami ay nakatoka sa gulay
Masarap ang naging tanghalian namin at sa sobrang lamig ay humiga pa kami at nagpahinga,nagkakatamaran pa nga kaming maligo.Pagkatapos magpahinga at magpanggap na mayaman napilitan na kaming magayos..bilin pa ni ate Maribel wag daw kaming umalis na may baligtad na damit kahit yung hinubad na,hindi ko alam kung bakit.


Si Manny hindi naligo kung sino pa ang may balat ng kalabaw sya pa yung hilamos lang.
Umalis kami ng lampas alas dos ng hapon at nakarating ng ligtas ng mag alas nuwebe ng gabi.pagod na pagod pero sulit na sulit ang weekend namin,balak namin bumalik sa april kasama ang yolo club at sa mga nagtatanong kung asan si Manny sa piktyur na ito...




Wala po talaga sya jan...andito sya


bouquet of sitaw


Pumarada "nutrition month" daw.

Monday, January 13, 2014

Astig 2

Naalala nyo ba to?... please click

Now that  its 2014 let us all look back and countdown our new astig facebook status of 2013 here in Vision(vvcsi).This is according to my taste and purely just for fun.

10. Dream role ni echo yan and I think his living on his dreams


9.From the selfie king himself ,he's single and desperate that time,pero bumabaha ng cheesiness sa timeline nya ngayon mananawa ka.


8.Basag binigyan talaga siya ng tattoo ink


7.Binabasag din sya kahit di opismate


6.Another one from jericho



5 Who would not remember a status that launch a thousand ships...gyera na to.Tinanggalan nya tayo ng lamesa nung lunch natin,pati aircon at pc natin pinagtripan.


4.Walang kokontra..almost same entry dati kaya pasok sya..hilarious!!!

3.Natae ako dito


2.It really looks ordinary pero pag nagpopost kasi sya ng about sa cravings or about her appetite or anything about food cant't help it but smile at yun ang kinaiinisan nya sa akin



1.At ang nagwagi walang iba kundi.....Fave movie ko to at di ko maimagine sya ang gumaganap sa role ni Maja