Powered By Blogger

Friday, March 30, 2012

Ako si In-house collector...

May mga bagay talaga na kahit pag-aari mo na tong blog na ito ay di mo pa rin masabi kung ano ang saloobin mo.May mga bagay-bagay na hindsi mo masabi dahil may mga gusto kang protektahan at ayaw mong makasakit ng kapwa mo.Hindi ako astig kung yun man ang iispin mo,Malamang ay pagtawanan mo ako at naging bahag ang buntot ko.Asar lang ako sa sarili ko dahil sa kagustuhan kong wag makasakit ay kelangan ko itikom ang bibig ko.Lahat ng bagay ay kaya mong tibagin at buuin muli pero may mga bagay na hindi mo gagawin dahil ito ay "choice" mo.Choice ko na manahimik na lang pero nagagalit ang kalooban ko dahil sa "choice" ko.Hindi ko maamin pero hindi ako ganun kalakas,mahina ako,kulang sa tapang na harapin ang sakit na pwede kong maidulot sa iba.May personal man akong pinagdadaanan sa pagrerebelde ng isip ko sa puso ko mananatiling tikom ang bibig ko and that's Paksyet

 Ako si In-house collector-matino,gago at talo.

Wednesday, March 28, 2012

Kay Tutan tayo

Ayan may tribute ako kay Susan bilang mamamaalam na sa Vision.Ilang araw na lang madadagdagan na ang istatistika ng mga walang trabaho sa Pilipinas,kabilang sa magiging problema ng gobyerno at higit sa lahat pabigat sa lipunang naghihikahos na.Akalain mo nga namang nakuha pang magresign at makisapi sa Hukbong sandatahan ng mga tambay sa Pilipinas.Hindi ko alam ang totoong dahilan sa pag-alis nya pero ako ay grateful(umi-english lang) dahil sa sandaling pagkakataon ay napatawa at napahalakhak ako sa mga antics nya.Hindi ko malilimutan ang mga astig nyang facebook status,ang kulitan sa tuwing may inuman at ang hindi ko maipaliwanag na personalidad na sya lang ang merun.Hindi ko din makakalimutan ang pagpatol  nya kay simsimi minsan nga naiisip ko hindi sya talaga busy.
Naghihinayang ako na mawawala sya may rookie of the year kasi sya na natanggap galing sa opisina,ibig sabihin nito ay may potensyal sya maging magaling na kolektor pero on the second thought si Susan nga lang pala ang bago sa team nya kaya wala silang choice kundi ibigay sa kanya.Malungkot ako sa pag-alis nya pero umaasa ako na may maidudulot na kabutihan ito sa kanya -career growth siguro.

                                     

Kung anuman at saanman ikaw patungo tumingala ka lang sa iyong pupuntahan at wag kalimutang ngumiti sa inyong pinanggalinganHindi masama ang bumitaw sa bagay na napamahal na sa atin lalo na kung sa tingin natin kinakailangan na itong bitawan.Yes she maybe a quitter but at least she can show us her graceful exit.

click to enlarge

Tuesday, March 27, 2012

Devirginized


Wow oha...napamura ako ng taena...kahit kung anung-ano lang na shits ang mga sinusulat ko dito may natutuwa rin pala.Salamat ng marami sa'yo,First time to(na mahabang comment),Kung sino ka man sana swertihin ka ngayong araw na ito kung hindi man bukas yan malamang.Hindi mo lang alam kung pano mo ko pinasaya dahil alam mo naman malungkot ako dahil may ulcer na ang bulsa ko.Sa nag-comment na to muli salamat binuo mo ang araw ko.

Hi po sir dindo. Naaaliw ako sa blog mo.avid reader ako ng mga blogs e. Kc from there ako nkkakuha ng various feedback on my queries.mind you, ultimo pagpaparebond chineck ko muna s blog. Anyways, your blog is cool....at bilang madami na rin ako kilala sa vision kahit di ako tagaroon at consistent tambay lng in my bdo uniform...at somepoint..nakakarelate nmn ako...and it really makes me laugh....especially ung SOLA n manny...hehehe... Keep it up....dont know if your earning from this but if you do....much better...but if not ok na ring past time....enriching your ideas...and nga pla..pati youtube mo nkita ko na...next time ako na presidente bg fans club mo....hehehe.... Two thumbs up for you sir..... :-D

Monday, March 26, 2012

random

Magmamahal na araw pero ang lungkot-lungkot ko.Wala kasi ako pera ewan ko ba bakit sa tuwing malapit na ang holiday tulad nitong holy week at may pagkakataon na makapagbakasyon sa malayong lugar saka naman ako kapos.Gusto ko sana tanungin yung sarili ko bakit nga ba?kaso natatakot ako na sagutin ang sarili kong tanong dahil alam kong wala naman patutunguhan ang tanong ko na wala naman talagang kwenta.Ang gulo diba,minsan naisip ko mamulot na lang ng pera sa daan pero kahit isipin ko yun wala naman ako mapupulot kundi tae ng asong gala.Syet bakit ba sa ganitong panahon pa ako kinapos eh ang saya sana magtampisaw sa dagat o kaya magpunta sa malayong lugar kung saan di ko pa napupuntahan.Pwede sana kaso wala talaga ako pera.Andami pa sanang akong plano na pupuntahan ni isa mukhang walang matutupad.Pagdating naman sa trabaho ewan ko ba parang nananadya talaga ang tadhana,masaya naman sa trabaho pero parang kulang ata ako sa swerte.Wala ako maclosed na malaking account paano na ang mga gastusin ko sa bahay at ang sarili kong luho.Minsan mahirap makatikim ng ginhawa kasi hinahanap-hanap mo pag wala na.Hay tara inom tayo para makalimutan ang problema empi lights lang masaya na ko.

Saturday, March 17, 2012

Fun-sol

Very recent lang nangyari,nag-outing kami with my officemate sa Pansol Laguna sa isang private pool.We had a long preparation prior to our swimming pero kahit pala akala mo prepared at nasa ayos na ang lahat along the way saka mo lang ma-rerealized na something is missing,something is about to happen or something will teach you a lesson.Past 6pm na kami nakaalis ng Pasay,as any ordinary day heavy traffic na naman along Gil Puyat.Overloaded pa kami sa inarkilang jeep namin dahil hindi naman expected na marami ang sasama.Nagawan ng paraan at pinagsiksikan namin ang aming sarili para magkasaya lang.Nagdala kami ng mahabang upuan at inilagay sa gitna ng jip.Tinalo pa namin ang sardinas mas madami kami sa lata.
Then sinundo pa namin ang iba pa naming colleague na nagluto para sa dinner namin.So you could imagine na madadagdagan pa kami ng lima.Eto yung point na nagdecide kami na yung iba kelangan talaga magbyahe para maging komportable kaming lahat.I should learn proper estimation next time so that it won't happen again.Hassle kasi.
The trip went upside down parang di nakiki-ayon ang tadhana para sa amin.Nasa kalagitnaan kami ng expressway ng biglang pumutok ang gulong.Earlier I noticed from the face of the driver yung concern kasi nga overloaded kami.Alam nya pwedeng bumigay yung gulong anytime.Everyone is safe naman after the incident though worried ang lahat sino bang hindi it is supposed to be a happy occassion.Nagstop over pa rin kami para masiguradong safe yung sinasakyan namin.For about 30 mins tambay mode muna kami,most of us went to a nearby mcdo kumain,nag-cr at nagkwentuhan.Hindi naman nakakainip kasi we took the opportunity para ma-relax indeed nakatulong sya,still everyone is excited and high spirited.
Less than an hour dumating na kami sa Pansol naunahan pa kami ng nagbyahe lang.The place is nice though maliit lang sya,komportable naman yung 3 rooms lahat aircondition.



May isang pool para sa adult at isa din sa mga bata at kay Alex..May billiard din

The place looks quiet and peaceful kahit walang security guard at caretaker lang ang andun.Magdamagan inuman,


kainan at videoke-han,nag-games din kame I wander makukuha ko ba yung premyo ko hehehe.

Photo op pa


Ang Adonis ng Vision


I wander kung ano tinitignan ni shock


The crying lady...


The beautiful and wonderful people




The food is great,thanks sa mga nagluto ang sarap lang ng adobo for our dinner,sopas para sa bangag at kaldereta para sa breakfast.
Thank you din sa sponsor para sa desserts,masarap lang ulit-ulitin.


The next day


Bagsak



May mga nalasing,may sumuka,may lumamon,may makulit pero masaya
Everything went smoothly,may mga hassle and all at least I've(we've) learned a lesson.The most important thing yung experience na baon-baon namin pag-uwi.

Tuesday, March 13, 2012

Harrison plaza

Pumunta kami ni Manny sa Harrison Plaza para papalitan yung short na binili ko,Hindi ko alam kung bakit hindi magkasya yung size 32 na waistline sakin samantalang size 32 ang size ng mga pants ko.Hindi kaya ibang tape measure ang ginamit dito at bakit nauwi ako sa size 36?Akala ko maluwag pa yung size 36 pero nagkamali ako kasya lang...sakto at hindi ko matanggap.Excited daw ako sa swimming this March 16 kaya bumili daw ako ng long sleeves,short at underwear ayon yan sa imahinasyon ni Manny.Tama bumili nga ako ng mga yan pero hindi dahil sa swimming, nawawalan na lang talaga ako na maisusuot dahil sa kapatid ko na mahilig sa hands me down na damit at puro sakin ang natripan suotin.Nagtitipid ako kaya sa halagang 600 na budget kumasya naman pero kung mas gusto nyo mas makatipid sa Baclaran kayo pumunta.Mainit nga lang at matutong makipagpatintero sa mga mamimili at mga sasakyan,kung mamalasin baka madukutan pa.Badtrip diba basa na kilikili mo nawalan ka pa ng pera.Habang nasa sasakyang jip kami ni Manny papuntang Hp(read harrison plaza)
Dindo: Ma bayad po Harrison yung dalawa
Manny:(tumawa ng nakakaasar)
Dindo:(confused)
Manny:(tuloy ang tawa)
Dindo:(namula,nastress...Nagkamot)
Hindi ko alam ang nangyari,inisip ko na lang yung kulay ng buhok ni Manny pagkatapos sumabay na din ako ng tawa.Pagkatapos kong mapalitan yung short ko na size 32,kumain kami sa maliit na foodcourt ng Hp.Inorder ko yung palabok na 40 pesos ang halaga at gatang halohalo na 30 pesos naman mahal para sa kin pero dahil katakam-takam naman nilunok ko na ang pride ko.Umorder din ng pancit si Manny kahit ang gusto nya ay hindi available(maaaring sinadya ng tindero na hindi lutuin yun kasi inakala nyang walang pambayad si Manny...joke)At ang lasa FAILED...hindi na ako uulit,maalat ang palabok at hindi ganun kasarap ang gatang halo-halo.Hindi ko na itinanong kung masarap ang pancit dahil alam kong hindi nabusog ang mataba kong kasama at hindi na kasi sya umorder ulit.Sa mga nakakilala sa kanya singlaki na po sya ng aparador na kulay blonde.Gusto din namin bumili ng buko shake sa buko ni juan,ang kaso wala ng buko,niyog na lang daw.Hindi kami nakuntento at naghanap kami ng buko shake para malamanan ang tyan ng dragon kong kasama.Nakatagpo kami at natuwa.Nagyaya na ako umuwi habang nilalagok ang binili.Sa labas...

Akala ko ok na

Manny:masarap ang barbeque nila dito

at nagpa-ihaw sya ng atay.