Powered By Blogger

Wednesday, November 30, 2011

Ang alamat ng banana cake

May pabaon naman ang Globe party sa amin,eto yung banana cake na kasing liit ng post it na ginagamit dito sa opis.Masarap naman sya kesa naman sa wala diba.Ibinigay din ni Mam Ems yung share nya sa akin para daw sa team eh dahil matakaw ako di na ako nag-abala direcho na sa esophagus ko para di na sila magaway-away.Sori guys,pero may natira.

"Ano yan?" tanong ni Manny.

"Banana cake"sagot ko matapos balatan ang banana cake na tinikman na rin ni Cyrus kagabi(isang patay gutom din hehehe)

Sandaling napatitig si Manny sa banana cake.Seryoso

"Dinurog yan?"tanong nya ulit.Habang nagtitimpla ng 3 in 1 na nescafe at habang labas ang itim na utong mula sa kanyang sando.

"bi-naked"seryosong sagot ko.

Natigilan sya.Mukhang nag-iisip.

"Pinagloloko mo ba ako?"nakatingin nyang tanong nya sa akin.

"Hindi"confident kong sagot.

Tinitigan ulit yung banana cake.Nagtataka at parang magagalit pa sa akin.

"Hindi naman yan BANANA CUE"sabay irap.

Napapatitig ako tsinek ko kung may naiwang banana stick.

Wala naman.





Saturday, November 26, 2011

Globe Party 2011

May appreciation party ang Globe Telecom kahapon sa Richmonde Hotel para sa mga collection agencies. 6pm nag-start pero 7:30 pm na kami dumating sa venue,nagpaka VIP lang kami ni Madame para may konting drama ang entrance.Sa sobrang drama ayun patapos na ang program at awarding na lang ang naabutan namin.Kinakabahan ako yun ang sabi ng utak ko.Alam ko naman na tama lang ang suot ko sa okasyon pero di mawala ang takot, parang kinder lang na takot mag may I go out kay teacher naiihi lang.Hindi ko naman ine-expect na manalo ng awards kaya wala namang disappointment sa mukha ko at least may next year pa para sa panibagong awarding at malay mo ay swertehin din ako.May pa-raffle pa pero hindi din ako swerte sa ganun kaya naman nag hintay lang ako matapos yun no expectations at all...hindi ako nagkamali.

Nanalo naman ng special award ang isang agency owner as male Star of the night,literally star sya ng gabing yun sa suot nyang kumikinang na puro sequence,nakakasilaw,nakakatulala...nakakabangenge.Red suit from head to toe di ako sure kung yung brief red din.

Ok naman yung food,hindi lang ako sure kung may lasa mas tutok kasi ako sa dalawang klase ng kutsara,sa kutsilyo at kung anu- ano pa. Alam ko lang naman ay lamnan ang tyan ko at walang alam sa etiquette.Damn ang bobo ko yung kutsara na pang soup ginamit ko sa kanin tumingin ako sa paligid may agency owner na nakatingin.Ngumiti ako para itago ang pagiging tanga ko.



May mga kilala naman akong officer kaya nakulob lang at di naman napanis ng tuluyan ang laway ko.Maswerte pa din sabi ko

Umalis kami ng maaga,malamang pagod na din si Madame direcho kami sa opisina, doon kasi sya sususunduin ng anak nya at doon naman ako matutulog.Tulad sa hotel kung saan ako galing may mga nadatnan akong nagiinuman,karamihan kaibigan ko, Lahat sila lasing na wala mang red wine walang black label walang magarbong kasuotan,walang chandelier at mahal na pagkain pero may ngiti,tawanan at asaran where I am familiar with alam ko dito ako belong... Finally im home.Shot

Sunday, November 20, 2011

One seat apart

Natuloy naman ang pagpunta ko sa 40 days ng boss ko kasama ko si Rica ,Gen at Dra Ludy.Thank God may sasakyan di ko kelangan gumastos hihihi,oo ako na ang nagtitipid.Kahit pangalawang beses na akong pumunta dun di ko matandaan yung lugar pati na din yung mga kasama ko except kay Ludy na nagdadrive dahil first time nya pumunta sa lugar na yun nagkataon naman si Rica at Gen wala ding sense of direction.Nakarating naman kami ng maluwag sa tulong ng ispiritwal kong kapangyarihan este cp ko para humingi ng direction.Pagdating dun bilang kunwaring hindi gutom nakadalawang balik ako sa table para kumain nahihiya nga ako eh(liar).Senglot na din yung mga na nauna na ng ilang hours samin may wasted na, merong magiging wasted pa lang at merong sadyang wasted na talaga kahit di pa umiinom( si Lilay yun hehehe).Pagtapak ko pa lang binigyan na nila ako ng pangalan anak ng putcha may screen name na ko ayaw ko lang banggitin dito dahil baka yun nga ang itawag mo sa akin.Hindi ako ready marinig yun dahil baka sumanib sa akin ang pangalan na yun at baka di mo magustuhan at pagsisihan mo pa.Saglit lang kami mga 2 hours ganun kasi balak pa namin pumunta ng Angono sa apartment ni Rica balak din namin uminom dun.Dumaan kami sa c6 para daw di traffic ang ending two hours din na byahe buti na lang nakainom at nakaidlip ako.Nag the bar kami kasama yung friend ni Rica na si Mindy kalahating bote lang kasi naman pagod na din dahil sa matagal na byahe.Natulog lang ang kaganapan sa apartment ni Rica,nagising din kami ng maaga at tuloy sa paghilata sa sofa nya.Nanood ng dvd kumain at humilata ulit.Nang may mapansin si Rica...opo may mata sya.
"Gen bakit ganyan daliri mo(sa paa)hiwa-hiwalay" ani ni Rica kay Gen.

Sabay tingin ko sa paa nya na nakasalampak sa sofa.

"oo nga parang magkakagalit"pagsang ayon ko.

Tawanan...kung kilala mo ako alam mo kung paano ako tumawa...wagas

Knowing Rica hindi nya tatantanan ang napansin nya sa madaling salita basag na basag si Gen.

Pinaglihi daw si Gen sa Balot at ang sabi nya napansin na din ni Eugene ang paa nya,Si Eugene ang isa pang kritiko ni Gen hindi nalalayo sa kamalditahan ni Rica according kay Eugene para daw sugpo ang paa ni Gen.Again knowing me tawa ulit ng wagas.

Para makita nyo kung ano ang pinagsasabi ko eto na ang series of shost na may pahintulot sa may-ari kayo na ang bahalang tumawa.






one seat apart


Saturday, November 19, 2011

Da Late

Cp ringing...

Minadali kong dukutin ang aking cp mula sa aking bulsa ng pantalon,lumilikha na kasi ng atensyon ang malakas na tunog nito, nasa bus kasi ako at ayaw ko namang maging instant celebrity at least hindi sa ganung paraan.Dyahe eh.

Si Manny ang aking kaibigan ang tumatawag.

"Asan ka na"aniya

"Nasa Bacoor pa ko"sagot ko

"Ano ba yan,hinihintay ka na dito"diin niya

"Diba quarter to 10 pa naman ang alis"palusot ko

"Ano ka ba?quarter to nine ang alis natin diba nag-meeting kayo"naiirita nyang tugon.

"teka itatanong ko kay sir Richard"dugtong niya.(sa background may kinausap sya)

"quarter to nine nga"paniguro nya.

"Anjan na ba si Mam Gemma?"tanong ko(Tinutukoy ko ang admin sup namin)

"oo"sagot nya

Cool pa rin ako kahit late na ko.

"Tinanghali kasi ako ng gising,di ako makatulog kaninang madaling araw nahihirapan akong huminga"paliwanag ko.

"Usapan quarter to nine,ano ba yan?bilisan mo jan"sabi ni Manny.

"Ano ba gusto mo gawin ko takbuhin to"sagot ko.

Alam kong importanteng araw sa amin yun pero sa pagkakataong iyon di ko mapigilan ang pagkayamot sa kanya.Totoo na di ako makatulog dahil di ako makahinga ng maayos dahil sa plema ko na namamahay sa aking lungs na marupok.Totoo na late ako,cause of delay ako pero sa puntong yun valid naman ang reason ko.Ikaw na tubuan ng milyon milyong bacteria sa lungs mo.Im sure susuko din ang fragile mong katawan.

Ang ending pinauna ko na sila.Nagpaiwan ako at sumunod na lamang kinahapunan.Nawa ay maintindihan ako ni Boss Jojo kung bakit di ako nakarating sa pamisa para sa kanyang ika 40 days.











Thursday, November 17, 2011

Kung bakit gusto ko bumalik sa nakaraan


Uhugin pa ako nung nauso si Shaider sya yung pulis pangkalawakan na kalabteam ni Annie na laging labas ang panti.Tuwang-tuwa ako nung sa tuwing pinapalabas ang programang iyon kapag sabado.Masaya ako dahil bukod kay shaider sweldo din ng tatay ko (every saturday sahod nila) kaya sigurado may limang piso na naman ako galing sa kanya.Kahit kaagaw ko ang ate ko sa panonood ng black and white pa naming tv noon dahil mahilig sya sa thats entertainment ay naiisingit ko pa din sina Alexis at Annie.Bilang bata gusto ko din matalo noon si fuuma lay-ar di ko sure yung ispeling basta kung bata ka nung bata ako makakarelate ka sakin.Natatandaan ko pa naiinis ako kay Yda pati na din ang mga amazona na hindi ko alam sila pala yung sexbomb version ng japan.Ciempre joke lang yun

Cge sabay sabay tayo... shige shige blah blah blah..(kung nagets mo ang kanta bata ka nga nung early 90's)

Sumasabay ka din sa kanta ng mga bata na Annie Annie labs shaider(cge kantahain mo ikaw na bahala sa lyrics pwede mo din isayaw)

Inilagay ko sa pedestal noon si Shaider pati na din ang laser sword nya na umiilaw(laser nga eh),pinangarap ko noon na magkaroon ng sword para matalo ko ang mga batang ipinanganak atang mang-api na katulad ko na noon ay patpatin pa pero cute na nilalang.Pwede ko din gamitin yun sa tuwing papatulugin ako ng ate ko kapag tanghali.Alam ko hate mo din matulog sa tanghali pero dahil sa kelangan mo tumangkad na pipilitan ka din.Now ko lang napagtanto tatangkad pa din naman ako kahit hindi matulog.(naisip din ni Bob ong yan)Isipin ko na lang kung nahati ang katawan ni ate dahil sa laser sword na terror nung panahon na yun hindi siguro ako nakapag high school dahil walang sasagot sa tuition fee ko nun buti na lang wala talagang laser sword hihihi.

Superhero si Shaider ng mga kabatan nung early 90's at dahil naging part ako nito pakiramdam ko napakaswerte ko dahil hindi kailanman mapapantayan ng saya ang mga karanasan ko mula noong ako ay uhugin at patpatin pa lamang(para akong lumilipad na saranggola).Matagal ng wala si Shaider at ang gumanap nito pero mananatiling buhay ang kanyang alaala sa akin na minsan sa buhay ko pinangarap kong magkaroon ng laser sword para isaksak sa ngalangala ng kaaway ko

Yan ang dahilan kung bakit gusto ko bumalik sa nakaraan

40 days


Ambilis talaga ng panahon parang kelan lang ng makilala kita.Natatandaan ko pa nung una kitang makita.Ordinaryo lang ang kasuotan mo nun tshirt na gray at maong pants malayo sa suot kong makapal na long sleeve at pantalon na slacks di ko nga alam na mahalaga pala ang posisyon mo sa noo'y inaaplayan ko palang na trabaho.Sa tuwing ikaw ay aking nakakasalubong lagi kang may ngiti na baon.Nakakahiya nga sayo dahil una ka pang bumabati sakin.Umaga,tanghali at hapon ay walang kupas na ngiti ang nakahanda mong ibigay sa taong makakasalubong mo.

Lumilipas ang panahon unti-unti kitang nakikilala,marami ka palang kaibigan at masaya ka sa ganun.Nakakatuwa dahil hindi ka mahirap pakisamahan,mahilig ka sa sasakyan at mga baril andami mo pa ngang kilalang pulis at hula ko pinangarap mo din yun minsan sa buhay mo.Mahilig ka din mag-beach kita naman sa mga larawan mo.Naaaliw kang magtampisaw sa tubig kasama ang mga mahal mo sa buhay.Isang larawan ng masayang pamilya.Nabanggit ko ang pamilya kung pararangalan ka bilang anak at kapatid ay malamang summa cumlaude ka sa husay mong humawak ng problema.Ika nga nila you are such a cool person.Bilang ama ng opisinang iyong itinayo mas malaking hamon ngunit ito ay taas noo mong hinarap at pinagtagumpayan sa pagkakataong iyon may masters degree ka naman

Biglaan lahat.Panghihinayang at luha ang bumalot sa iyong iniwanan.At tulad ng iyong pagkawala mabilis din ang araw na lumipas heto at ika apatnapung araw mo na pala magmula ng ikaw ay tawagin nya at lisanin ang mundong iyon kinamulatan.Para sayo ang araw na ito at sana ay makapaglakbay ka ng maligaya sa iyong pupuntahan.Legacy ng matatawag ang mga iniwan mo dito sa mundo patunay ang building na ito at mismong empleyado mo.Sa iyo Bossing maraming salamat

PS

Kasama mo na si Steve Jobs ikamusta mo na lang ako sa kanya.Siguro lahat jan puro naka Ipad

Wednesday, November 16, 2011

Nang sumabog si Manny

O ano nga ba ang nangyari kahapon at parang bulkan sumabog kung magalit ang kaibigan kong si Manny?
Gento yan...Flashback

Tuwing umaga nakasanayan na nyang maningil para ipambili ng tubig upang ipang inum(syempre)Eto yung bote bote na isang galon na nilalagay sa water dispenser.(hindi na kasi pinoprovide ng opisina ang tubig)Apat na piso lang naman ang hinihingi presto may bukal ka na ng tubig sa buong maghapon hindi nga lang pwede ipanglaba at lalong di pwedeng ipaligo mahal kasi 35 pesos.Sulit naman yung apat na piso hindi na bitin at hindi manunuyo ang esophagus mo panigurado kaysa naman bumili ka ng 10 pesos na tubig na 1000 ml lang naman ang laman.

Sa ilang linggo nyang paniningil para sa tubig hindi lingid sa kanyang kaalaman ang mga taong reklamador dahil namamahalan sa 4 na piso,maraming mga dahilan at rason na kahit ako ay di ko nagugustuhan,dahil kung tutuusin ay para sa kanila din naman ang tubig na sadyang mahalaga sa atin.

Ang araw kahapon ay di naging iba sa pandinig ng kawawang si Manny,bakit kawawa?wala lang may maisulat lang.Hindi nya na pinaligtas ang mga negatibong reaksyon dahil sa kanyang paniningil.Kumbaga sa lindol intensity 8 na,kung sa bagyo mahihiya si Ondoy sa lakas nito.Natahimik at nagulat ang lahat ng binalik nya ang pera na nakolekta nya.Pakiramdam ko nga mabubuwal ang apatna pundasyon ng opisinang ito syempre exag yun pero talagang nagalit si Manny,namumula ang mukha,matalim ang mata,pinapawisan kahit may aircon naman.

Bilang ganti este consequence hindi na pwedeng kumain sa loob ng work station dahil isusumbong nya daw kay Madam,lahat daw ng makikita nya ay isusumbong nya at pasensyahan na lang daw.Sa galit nya ay nagmamadali syang ipinaskil ito.

Sunday, November 6, 2011

Where are you now???

Naisip ko lang magsulat nung marinig ko yung kantang to.
note: pindutin muna ang kanta para makapagsenti bago ituloy ang pagbasa




Lyrics | Honor Society - Where Are You Now lyrics

Katulad mo minsan naiisip ko din kung asan na yung mga taong nagkaroon ng mahalagang papel sa buhay ko o di kaya'y mga nakasalubong ko lang sa journey na ito.Sila yung mga taong bumuo ng pagkatao mo kung ano ka at kung sino ka ngayon.

Tulad ng kanta,nagtatanong din ako


Yung mga taong nagpasaya


Yung mga taong nagpalungkot sakin


Yung mga taong nagpasigaw


Yung nagpakilig


Yung nakapagpaiyak


nakapagpatalon,tumbling,nagpagulong at kandirit



Si Ms Rodriguez,Mr Ramos,Miss Diaz,Mr Mendoza,Mr Macadat at marami pang iba


Asan na ba kayo?


contact me please...



Magsipagbayad kayo ng utang nyo


Magpapasko na..Peste

Wednesday, November 2, 2011

Ako at si Praybeyt Benjamin


Ang tagal ko ng di nakakagawa ng entry dito,Una wala ako sa mood para magkwento at pangalawa mas inuna ko muna yung mga responsiblidad ko dito sa opisina.Maraming kaganapan ang nangyari isa na dito yung pagkawala ni Bossing,ang swimming ng team,yung pagkakasakit ko at kung anu-ano pang may koneksyon sa trabaho.Disappointed ako sa mga cardholder ko pero ibang post dapat yun.

Lately stress ata ang inuulam ko kaya puro sakit na lang ng katawan ang lumalabas sakin that's why nung magyaya si Vangie yesterday para manood ng movie kinagat ko na kahit hindi libre kundi utang nanaman no choice eh utang daw hahaha,may factory ng plema ang lungs ko kaya kelangan panoodin si Praybeyt Benjamin baka makatulong na magevacuate na dahil over staying na sila (for the record hindi siya TB nagpacheck up na ko)Kasama si Vangie,Paulo at Manny sumugod kami, naglakas loob(wala kasi pera) at nakipagsikisikan sa MOA

Kung gusto mo tumawa lang for a change kasi lately nakasimangot ka dahil wala kang collection this is the best movie para mawala lahat ng kaba,takot at pati na din ang kahorny-han mo (joke) Sulit naman ang php 185 para sa tiket mo nakita mo na ang epic face ni vice at ang pasok na pasok nyang punchlines,naihi ka pa sa sobrang lamig sa sinehan.

Dahil magaling si Vice,gumaling din yung mga co-actors nya,sino ba ang makakalimot kay Jimmy Santos bilang ama ni Vice sa pelikula,sya lang naman ang kunsintidor na tatay ni Benjamin na ang hilig ay umimbento ng kung anu-anung gadgets na later on magagamit pala nila,I tell you lalabas ang esophagus mo kay Jimmy.Si Derek ayun love interest ni Vice peksman di mo kakayanin yung eksena nila lalo na yung shower scene.The story itself is good wala masyadong twist,may moral lesson kahit trailer palang obvious na pero actually di na kelangan eh ang malinaw lang talaga na gustong ipahatid ng producer,magenjoy at tumawa ng wagas at sagad.They did it on purpose and I think nagsuccess sila doon at tulad ng ubo ko na on purpose din they are everywhere on the floor at success din